179
*******
LEIGHTON
"Your late Miss!"
Masungit na sabi sakin ng instructor pag pasok ko ng room pero dahil wala akong pakielam ay hindi ko sya pinansin at dumeretso sa upuan ko.
"Next time na mahuli kapa sa klase ko, hindi na kita palalampasin!"Hindi ko na lang sya pinakinggan at umupo ng tuwid sa upuan ko. Nahagip pa ng mata ko ang nag tatanong na tingin nila Kim at ang pag lingon sakin ni Catastrophe pero wala akong pinansin sa kanila. Sanay na ko kila Kim at maging dito sa katabi kong si Catastrophe dahil kada dadating naman ako ay nililingon nya ko pero dahil wala akong pakielam, madalas ay hinayaan ko na lang.
Marami pang pag iingay ang sinabi ng instructor sa harap pero seryosong nakatitig lang ako sa harap. Lumilipad ang isip ko sa maraming bagay at puro tungkol kay Abo ang mga bagay na yun.
Hindi mawala sa isip ko ang nangyare kanina. Pakiramdam ko hanggang ngayon kumukulo parin ang dugo ko kahit na kakaligo ko lang. Hindi ako madaling maapektuhan ng mga bagay bagay pero kanina, sa nakita ko parang gusto kona lang kumilos magisa at tapusin ang buhay ng lalaking yun kahit na walang nag uutos sakin. Hindi ko alam na malakas talaga ang loob ng lalaking yun para baliwalain ang mga pag babanta ko.
Kanina, alam kong masyado akong naging prangka sa mga sinabi ko. Hindi ko intensyon na iparamdam sa kanyang wala akong pakielam sa nararamdaman nya pero gusto ko lang naman na umiwas muna sya sakin. Masyadong delikado ang lahat at ayoko lang na mapahamak sya o ang kahit na sino.
Alam kong nasaktan ko sya kanina kaya naman sinundan ko sya para ipaliwanag sa kanya ang lahat pero hindi ko akalaing iyon ang makikita ko. Nasa likod nya ang lalaking yun na parang may sinasabi pero hindi sya pinapansin ni Abo hanggang sa nangyare na ang nangyare. Hindi ko matanggap na nagawa syang halikan ng lalaking yun pero mas hindi ko matanggap ang naging reaksyon ni Abo. Ni hindi man lang nya nagawang sampalin o suntukin ang lalaking yun. Nakita ko naman kung pano syang nagalit pero hindi ko parin maiwasang mainis. Sa kabilang banda wala naman na kong magagawa kung anong gustong gawin ni Abo. Hindi ko ugaling diktahan ang sinuman pero hindi ko din ugaling hayaang pakielaman ang sakin nang kung sinuman.
Hindi ko akalaing ganito ang ginagawa nya kay Abo. Inakala ko nung una na katulad lang din sya ng mga nagkagusto kay Abo pero hindi ko alam na ganito pala sya kabaliw. Hindi ko maisip kung ano bang meron kay Abo at kailangang hinahabol sya ng kung sino.
'Kung kailan sinusubukan ko ng kontrolin ang selos ko, tyaka namang may ganitong gago.'
Hindi ko tinitignan na isang banta ang kung sino pero pag dating kay Abo parang lahat kaagaw ko, parang lahat pader sa dadaanan ko na hindi ko magawang tibagin dahil ayokong masaktan si Abo.
'Pero isang utos lang abo... isang utos lang ang kailangan ko.'
Napabuntong hininga ako ng maalala ang takot at kaba sa mukha ni Abo. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko ang takot kay Abo ay parang bumabalik ang bangungot ko. Pakiramdam ko nakikita ko ulit ang mga takot na mukha ng mga taong—
"May practice daw tayo after lunch. Excuse tayo sa mga klase natin."
Natigilan ako sa pag iisip ng marinig ang mahinang sabi ng katabi ko. Hindi ako lumingon pero tinignan ko sya, patagilid ng mata ko. Abala parin ang lahat sa pinapagawa ng instructor namin pero nauna ko ng sagutan ang pinapagawa nya bago pa nya maisipang ipagawa samin. Nakatuon sya sa sinusulat nya sa libro kaya binalik ko na lang ang tingin ko sa harap.
"Bukas wala tayong practice kaya mamaya tayo babawi. Pinapasabi yan ni Dianne. Hindi kana kase nakabalik kanina.""Hm."
"Sabay na tayo pumunta."
Kaswal lang na sabi nya.Wala akong paki sa presensya nya pero pansin ko ang pag iiba ng ugali nya. Sa tuwing kaming dalawa lang madalas nya kong bigyan ng malaking ngiti at para bang punong puno sya ng sinseridad sa pinapakita nya pero tuwing may ibang tao sa paligid namin seryoso lang sya at tahimik.
BINABASA MO ANG
She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}
Rastgele"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...