174
********
LEIGHTON
Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Sigurado akong may kakaiba sa kanya. Hindi ko ugaling mag bintang dahil kumikilos ako kapag sigurado ako sa mga magiging desisyon ko pero ngayon... sigurado akong tama ang hinala ko.
Kanina pa sya tulala, kanina pang parang ang lalim ng mga iniisip nya. Pag pasok ko pa lang pagbalik galing lobby hindi na nya magawang salubungin ang mga tingin ko. Tanga ako sa emosyon pero hindi sa mga kilos ng tao at alam kong mali talaga.
Ayoko nitong nararamdaman ko na para bang kung ano anong pumapasok sa isip ko pero sya mismo ang nagbibigay ng dahilan para magisip ako ng ganito. Bigla syang tumahimik, malalim ang iniisip, parang nailang sya sa presensya ko at yung kanina... umiwas sya sa halik ko na lalong nag patindi sa kutob ko.
Bigla kong naalala yung lalaking nakita ko sa hallway na mukhang galing sa CR ng mga babae. Nasa kabila ang CR ng lalaki kaya hindi ako puwedeng mag kamali. Hindi ko lang nakita ang mukha nya dahil nakaharang ang kamay nito na syang humahawak sa phone nya na nasa tenga nya. Binaliwala ko yun lalo pat nakita ko ng nasa loob na si Abo pero...
'Kakaiba talaga ang kutob ko.'
"Meron nga ba? Bakit hindi ikaw mismo ang sumagot sa tanong mong yan."
Balik tanong ko sa kanya pero natulala lang sya. Parang nagulat at hindi magawang tumingin sa mga mata ko.'Hindi na nya kailangang sagutin ang tanong ko, dahil mga kilos na rin nya mismo ang sumagot nito.'
"Kailangan ko ng umuwi."
Sabi ko na binawi sa kanya ang kamay ko."Sabi mo mag stay ka dito..."
Hindi ko sya nilingon. Nanatili akong nakatalikod sa kanya dahil ayoko syang tignan. Naiinis ako hindi sa kanya, kundi sa sarili ko dahil alam kong lalambot ang puso ko kapag nakita ko syang malungkot.
'Gusto ko lang na sya mismo ang umamin kung anong totoo. Gusto kong sya mismo ang mas sabi sakin kung anong nangyare.'
"Hindi na. Magpahinga kana."
"I-ihahatid na lang kita sa la—"
"Hindi na kailangan."
Sabi ko at tuluyan ng umalis.Hindi ko sya pinag dududahan dahil sa lahat ng tao, sa kanya ko lang binigay ang buong tiwala ko at sya ang pinaka huling taong pag dududahan ko. Pero hindi rin nag kakamali ang kutob ko. At ayoko ng pakiramdam na to.
Patuloy lang ako sa paglakad pababa ng hagdan at naabutan ko sa baba ang Nanay Lorna nila.
"Oh hija, mauwi kana ba?"
"Mm. Kailangan kona hong umalis."
"Hindi kaba ihahatid ni Landry?"
"Hindi na kailangan. Kaya kona ang sarili ko."
Yun lang at umalis na ko.Lumabas ako ng bahay nila ng wala ng balak mag paalam ng maayos at hangang sa gate ay hindi ako lumilingon pabalik. Nilagpasan ko din ang sasakyang ginamit ko at patuloy lang sa pag lalakad.
'Kailangan kong mag isip isip at kapag ganitong hindi maganda ang nararamdaman ko, gusto ko ng mahabang oras ng mag isa.'
Habang nag lalakad palabas ng subdivision ay dinial ko ang number ni Nixon.
*CALLING NIXON*
"Yes helwatie?"
Bungad nya ng sagutin ang tawag."Kunin mo yung sasakyan ni Claude sa mga Bryleighn."
BINABASA MO ANG
She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}
عشوائي"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...