185*******
LEIGHTON
*RINGGGGGG RINGGGGGG*
Mariing napapikit ako sa hapdi ng mga mata ko. Inabot ko ang cellphone ko at walang tinginang sinagot ito tyaka bumangon habang nakasapo sa ulo kong sumasakit ngayon.
"Nasaan ka?"
'Si Chairman.'
"Nasa bahay."
Tipid na sagot ko lang dito."Wala kayong klase ngayon."
Sabi nya pero hindi ako umimik. Sa kabila ng nangyare, hindi na nakakapagtaka ang bagay na yun.Magiging malaking hamon ngayon sa mga Bryleighn ang nangyare. Maliban sa kaligtasan nila ay kaligtasan din ng ibang estudyante ang nakasalalay dito kaya kailangan nilang makumbinsi ang mga nasa posisyon na ipag patuloy ang paaralan. Kahit sinong nasa posisyon ay magiging kuwestiyonable ang nangyayareng insidente sa paaralan. Maliban sa mag rereklamo ang mga magulang ay bababa din ang tiwala ng mga nasa posisyon na kaya pang manatiling tahimik at ligtas ng Zaire. Hindi lang isang beses ang ganitong insidente kaya mas lalo silang mahihirapan talaga silang makumbinsi ang mga nasa posisyon.
"Nabalitaan namin ang nangyare kahapon. Kailangan mong pumunta dito sa mansyon. Dito kana kumain ng agahan at tanghalian. May mahahalagang bagay tayong dapat pagusapan."
'Wala naman akong magagawa kundi ang pumayag.'
"Masusunod, Chairman."
Pabatong binagsak ko ito sa kama ang cellphone ko ng putulin na nya ang tawag. Hindi ko parin alam kung bakit hindi ko sila magawang makontak kahapon pero hidni na yun ang laman ng isip ko ngayon. Masyadong magulo na ang nangyayare at hindi na rin ako natutuwa. Kung sa akin lang ay isang simpleng pakikipag laro lang ang nangyayareng pag babanta sa buhay ng Chairman Bryleighn pero iba parin ang epekto nito sa mga taong tulad nila.
Mabigat man ang ulo ay tumayo na rin ako at nag ehersisyo sandali bago pumasok sa banyo dala ang tuwalya ko. Habang nasa ilalim ng shower ay muling naging okupado ni Abo ang isip ko. Hindi ako nakatulog dahil sa sobrang pag iisip. Napakaraming tanong ang gumugulo sa isip ko pero hindi ko alam kung bakit wala akong lakas ng loob para itanong lahat yun. Ayokong mag isip na may kakaiba pero alam kong meron talaga. Pansin ko, ramdam ko at yun ang kinakatakot ko. Pakiramdam ko may nagbago... saming dalawa, siguradong may nagbago. Kitang kita ko sa mga kilos nya na may kakaiba kaya kahit ayokong pansinin ang hinala ko ay hindi ko maiwasan.
Para syang wala sa sarili nya. Simula nang magkita kami kahapon matapos ang insidente parang lumilipad ang isip nya sa kung anong bagay. Iba din ang nakikita ko sa mga kilos nya sa tuwing ibang tao ang kaharap nya. Sigurado akong may nangyareng kakaiba pero hindi ko ugaling pangunahan ang kahit na sino.
Matapos ang naging sagutan namin ni Chairman Bryleighn kahapon ay sabay sabay na nag siuwi ang mga Bryleighn. Maging ang pag yaya ni Mrs. Bryleighn sa anak na sumabay ay tila wala sa sariling sinagot ni Abo. Pumayag sya ng hindi ako tinatanong pero anong magagawa ko? Gusto kong isipin na masyado lang syang nabigla sa mga nangyare, na masyado lang syang natakot kaya ganoon ang inasta nya.
'Iyon ang gusto kong isipin dahil parang hindi ko kayang isipin na may iba pang dahilan.'
Huminga na lang ako ng malalim tyaka tinapos ang pagligo ko. Bumaba ako at bakas ang katahimikan sa buong bahay kahit na magkasama ang dalawang magkapatid. Pareho silang tila malalim ang iniisip at hindi umiimik.
"Oh Leigh?!"
Gulat na bati sakin ni Kim na para bang noon nya lang ako napansin. Hidni naman ako sumagot at pinagpagan lang ang jacket na kinuha ko mula sa pag kakasampay.
"May lakad ka? Walang pasok ah?"
BINABASA MO ANG
She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}
Random"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...