197

1.2K 52 31
                                    

197

*********

ASTRID LANDRY BRYLEIGHN

Maaga akong nagising at nakapag handa para pumasok. Sabay sabay kaming nag agahan ng pamilya ko bago ako tumuloy sa school. Hindi ko maiwasan ang manibago. Pakiramdam ko tuloy ay simula na naman ng bagong taon. Sobrang tahimik ng school at hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kakaiba. Para kaseng lahat ng mata nila sakin nakatingin. Napakaraming nangyare at hindi parin kapani paniwala na babalik kami ng school, mag aaral at mag sisimula ulit. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung makakaya ko pang makapag aral ng matino. Pero malaki ang naging tulong ng mga Limbrado. Dahil sa kanila ay parang biglang nabura lahat ng nangyare. Pero kahit ganun ay pansin ko parin ang kakaibang pag babago sa mga taong nandito ngayon. Yung mga taong gandang ganda at hangang hanga sa mala diyosa kong ganda ay masasama na ngayon kung tumingin sakin. Hindi ko rin naman talaga sila masisi. Pero wala akong balak na magpaliwanag sa kanila dahil kahit naman ako nawindang sa mga nangyare. Isa pa, siguradong di rin nila tatanggapin ang kung ano mang sasabihin ko dahil sarado ang mga utak nila. Nang araw na yun, marahil ay dahil bagong araw at pag papatuloy ng klase ay naging sobrang abala ko to the point na isa o dalawang text lang ang nagawa ko para iupdate si Nerdy. Sigurado din naman akong nasa school na sya, nasa room nila at abala sa pag aaral dahil nga kakabalik lang ng klase.

Gabi na ng makauwi ako at sakto namang tumawag si Nerdy. Napangiti ako agad nang makita ang pangalan nya sa screen ng cellphone ko.

"Hi baby ko. How's my baby? I miss you already."
Malambing na sabi ko.

"Good. Ikaw?"

'Di man lang pinansin ang i miss you ko! Hmp!'

"eto, medyo pagod."
Nag papaawang sabi ko.

"marami kayong ginawa?"

"Mm, medyo. Bumabawi din kase. Halos lahat ng subjects may quiz at recitation eh. Pero so happy sa result. Lahat kase pasado ako."

"Good to hear that."
Napangiti ako sa sincere ng boses nya. Hindi yung parang basta sinabi nya lang kundi yung ramdam ko talagang masaya din sya para sakin.

"Grabe nga eh. Medyo nakakapanibago paring pumasok. Lalo na at kakaiba kung tumingin sakin halos lahat. Kahit yung mga lalaking may crush sakin dati kung tumingin halatang may galit."

"Gusto mo bang isa isahin ko ng tanggalan sila ng mata?"
Seryosong tanong nya pero di ko naiwasang matawa.

"Sira ka! Hahahaha. Ang sadista mo naman."

"Tss."
Muli akong natawa.

"Pero seryoso,"
Maya maya ay sabi ko.
"Bakas sa mga tingin nila ang galit na para bang nag pipigil lang na saktan ako."

"Subukan lang nila, di ko titigilan maging ang kaluluwa nila."

"Baliw ka talaga. Hahaha. Seryoso nga kase."

"Seryoso ako Abo."
Sabi nya sa seryosong tono pero di ko na iyon pinansin.

"Siguro kase dahil sa mga nangyare. Alam ko namang kami ang sinisisi nila at di ko rin naman sila masisisi. Sa inyo ba? Nababanggit ba ko ng mga estudyante?"

"Hmm."

"Talaga? Well, hindi naman na bago yan. Matagal na kong sikat eh. Kahit noon pa ako na ang laman ng balita."
Pag yayabang ko.

"Ikaw nga."

"Told yah. Sa ganda kong to, di na nakakapag tak–"

"Iniisip nilang baka miyembro kayo ng sindikato."
Nahinto ako at nanglaki ang mata ko.

"What?! The heck?! Sa ganda kong to?! Ikaw puwede pa!"

"Ako?"
Tanong nya at gusto kong matawa dahil siguradong salubong ang kilay nya.
"Mukha ba kong sindikato sayo?"

She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon