168

1.3K 68 6
                                    

168

******

LEIGHTON

"B-birthday mo?!"
Gulat na tanong ni Abo pero inis na nilingon ko lang sya.
"B-bakit hindi... hindi ko alam?"

"Tss."

Inis na kinuha ko na lang ang tshirt ni Nixon na nasa blanket at agad itong sinoot.

"Happy birthday Leigh!!!"
Sabay sabay nilang sigaw pero hindi ko na sila pinansin at tyaka hinanap ang tsinelas na soot ko kanina.

"Hala! Lagot ka Abo!"
Rinig kong pang aasar ni Kim.

"Lagot ka bakla! Pinabalik mo ang scaryng si Leigh!"
Sigunda pa ni Aj.

"P-pero h-hindi ko alam."

"What?! Gurl naman! Panong hindi mo alam eh patay na patay ka nga sa kanya! Tapos birthday hindi mo alam?!"
Si Sari.

Parang mas lalong namuo ang inis sa dibdib ko sa narinig na sinabi ni Sari.

"Hi Miss i was—"

"Tabi."
Blangkong ekspresyong sabi ko sa lalaking biglang sumulpot sa harap ko.

"What?"
Takang tanong nya.
"Look, i just want to—"

"Gusto mong masaktan?"
Inis na sabi ko na hinablot pa ang summer shirt nya kaya naman agad na nag takbuhan palapit samin ang mga kasama namin.

"Leigh ano kaba!"
Awat ni Nixon.

Hinila ako palayo ni Cadence at todo hingi sila ng tawad sa dayuhan.

"Walanjo ka! Parang mag tatanong lang!"
Singhal sakin ni Kim.

Hindi ko na sila pinansin at dinampot na ang tsinelas sa buhanginan.

"N-nerdy..."
Tawag sakin ni Abo pero hindi ko na sya tinignan at tumuloy na ko sa pag balik sa hotel.

Ilang beses may tumangkang kumausap sakin lalo na ang ilan sa mga staff pero agad na silang gumigilid.

*TING*

Bumukas ang elevator pero dahil hindi maganda ang pakiramdam ko ay mas pinili ko na lang na gamitin ang hagdan.

"Nerdy sandali naman!"

Pigil sakin ni Abo pero tinignan ko lang sya ng seryoso. Hindi ko maiwasang mas lalong mainis ng bigla nyang binitawan ang kamay kong hawak nya na para bang nandidiri sya.

'Ayos din.'

Inis na ngumisi ako sa kanya at tumuloy na sa pag akyat ng hagdan at ramdam ko naman ang pagsunod nya.

"L-look! I-im sorry... h-hindi ko alam..."

"Ayos lang."
Tipid at malamig na sabi ko na hindi sya tinignan at patuloy lang sa pag hakbang.

"S-sorry talaga! I mean it! Kausapin mo naman ako ng maayos!"

"Kinakausap na kita."

"Teka nga sabi!"
Inis na sabi nya na hinila ako paharap sa kanya.

Tinignan ko naman sya ng deretso at heto na naman ang mga mata nyang hindi na magawang tumingin sa mga mata ko.

"I-im really sorry! H-hindi ko talaga alam kase... kase ang dami kong iniisip!"
Paliwanag nya pero nakatitig lang ako sa kanya.
"Mag salita ka nga! Wag ka namang mag inarte!"

Inis na napangisi ako sa sinabi nya.

Mas lalo syang nailang sa ngisi ko at hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin nya.

She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon