175
*******
ASTRID
Ilang linggo na ba ang lumipas? Halos hindi na rin ako nakapag bilang. Matapos ang nangyare kay Nerdy halos hindi ko na rin napansin ang mga nag daang araw dahil sa pagiging abala. Sa mga lumipas na linggo ay naging abala ako sa pag pepainting at preparation para sa pasukan at ngayon na nga ang simula nun. Sobrang excited talaga ako at mas masaya sana kung college na ko pero ayos lang din naman.
Tungkol naman kay Nerdy ay lumalabas na rin kami. May improvement naman kase kung dati halos madalang at isang araw lang kaming mag kita, nung mga nakaraang linggo ay nagiging dalawa o tatlong beses na kaming lumabas.
'At oo! Yun na yung improvement na sinasabi ko! Kaasar diba?!'
Dati ang dinadahilan nya ay ang pagiging abala nya sa pag aaral para sa darating na acceleration exam nya tapos ngayon namang natapos na, may ibang bagay pa syang pinag kakaabalahan na hindi nya masabi sabi! Naiinis talaga ako at nag tatampo pero mukhang kabisado na ko ng baliw na nerd na yun! Pano kapag alam nyang nag tatampo ako sa kanya at hindi sya pinapansin, nilalambing nya ko at nagiging sweet sya ng sobra sakin!
'At dahil bihira lang yun, ayun madalas sinusulit ko ang pag tataray! Hahahahha! Para naman ma feel din nyang lambingin ako no!'
Pero kahit anong pilit ko sa kanyang sabihin sakin kung anong ginagawa nya ang madalas nya lang sinasabi...
"Hindi yun ganun kahalaga para alamin mo pa."
'Oh diba?! Nakakairita! Kung hndi pala mahalaga, bakit hindi nya masabi?! Bakit pinag kakaabalahan nyang gawin?!'
Yan palagi ang tinatanong ko pero sa tuwing nag lalambing sya sakin, nakakalimutan ko ng galit ako sa kanya.
'Ang hirap kapag marupok!'
Mabuti na lang at nalilibang din ako sa ginagawa kong pagpe painting. Halos linggo linggo din kaming pumupunta ni mom or dad sa mall para bumili ng canvass at mga kailangan ko para sa painting. Nasa loob lang ako ng kuwarto at nawiwili sa ginagawa.
'Mas gusto ko pa to kesa mag basa no!'
Matapos isabit ang dalawang maliit na canvass ay niligpit kona ang mga ginamit ko. Lahat ng kalat at materials na ginamit ko niligpit kona at tyaka pumunta sa banyo.
Ngayon ang unang araw ng pasukan at dahil naging busy ang bawat isa sa amin ay excited na kong makita sila. Mag kakaiba kami ng strand nila Zay at Sari at yun ang nakakalungkot. Si Sari, gusto nyang maging architect kaya naman Arts and Design and strand nya. Si Zay naman ay business management kaya nag ABM sya. At ako, dahil gusto kong maging doctor ay STEM ang kinuha ko. Iisa kami ng school pero dahil nga mag kakaiba kami ng kinuha, siguradong magiging madalang na lang kaming mag kita kita at mag kakasama.
Matapos maligo at mag ayos ng sarili ay bumaba na ko at naabutan ko si Nay Lorna sa kusina at mukhang tapos na syang mag handa.
"Good morning Nay!"
Masiglang bati ko na hinalikan sya sa pisngi.Kaming dalawa na lang dito sa bahay. Si dad ay pinabalik na ni Chairman sa bahay nila at syempre, wala naman kaming choice lalo pat matanda na rin si Chairman at hindi maganda na mag isa lang sya. Sinubukan kong sabihin kila mom na pilitin na lang syang tumira dito kasama namin pero ayaw nya. Sila kuya naman ay tumira na sa sarili nilang bahay ni Cadence. Sa pad nila Cadence sila tumira at nung una ayaw pa ni kuya dahil sya daw ang lalaki at sya daw dapat ang bumili ng bahay para sa kanila pero syempre, sa huli hindi rin sya nakapalag sa asawa nya. Si mom naman ay nagiging abala na rin sa mga meetings. Kung minsan pa nga ay sya ang sumasama sa mga lakad ni Chairman dahil naging abala na si dad sa school.
BINABASA MO ANG
She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}
De Todo"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...