190
********
NIXON RIDGE
Natinag ako at mabilis na napabangon sa pag kakasandal sa sofa ng marinig ang mga yapak mula sa labas. Maya maya lang ay lumikha ang taong nasa kabila ng pinto ng malalakas na katok. Hindi naman ako takot pero hindi ko parin maiwasan ang pagkabog ng dibdib ko.'At sino naman to ngayon?!'
Dahan dahan akong lumapit dito. Magaan ang pag lalakad para maiwasan ang makalikha ng ingay ang mga yapak. Inikot ko sa kamay ko ang maliit na kutsilyong hawak ko habang dahan dahan ang ginagawa kong pag bukas sa pinto. Bago ko pa man magawa ang muntik ko ng gawin ay nahinto na ko agad ng mapagtantong si tita Alianna pala ang taong iyon. Mabilis na tinago ko sa bulsa ng pantalon ko ang kutsilyo ng makitang dito sya nakatingin.
'Damn it!'
Bumuntong hininga ako at maayos na pinag buksan sya ng pinto.
"Come in."
Mahinang nasabi ko na lang."Ayos ka lang ba Nixon?"
"Yeah. Im okay. What are you doing here?"
"Tinawagan ako ni Leighton. Tinawagan mo daw sya. Bakit? Ano bang nangyare?"
"Its a very long story."
Parang nanghihinang sabi ko.Binalik ko sa ilalim ng lamesa ang kutsilyo tyaka dumeretso sa kusina at kumuha ng bottled water sa loob ng ref. Naramdaman ko naman ang pagsunod nya habang umiinom ako ng tubig.
'Fck!'
Inis na hinawakan ko ang kamay ko dahil nanginginig ito. Hindi ko alam kung paanong nangingilabot ako ngayon dahil sa mga nangyare.
Huminga ako ng malalim ng mailapag ko ang bote tyaka pilit na pinakita kay tita Alianna na ayos lang ako. Pinag masdan naman nya ang kabuuan ko kaya naman nagiwas ako ng tingin. Pasimpleng inayos ko ang magulo kong damit at tyaka tumikhim. Nilibot naman nya ang tingin sa paligid at wala sa sariling ginaya ko ang ginawa nya. Nag kalat ang mga throw pillow at mga basag na picture frame at vase sa sahig. Napakaraming kalat.
"Sabihin mo sakin kung anong nangyare."
Sabi nya dahilan para matinag ako. Bumuntong hininga ako."I dont know."
Umiiling na sabi ko."Anong nangyare?"
"Someone's got in here in my house."
"Sino? Nakilala mo ba?"
"No. Hindi ko kilala. I dont know what his motive, kung bakit nilooban nya ko."
"Isang uri ng pag nanakaw? May nawala ba sayo?"
"Wala."
Napapabuntong hiningang sabi ko."Sigurado ka?"
Tumango ako sa kanya."Yeah. Maging ang kuwarto ko narating nya pero walang nawala sakin kahit na ano."
"Hindi mo nakita ang mukha nya?"
"No."
Natahimik sya kaya naman bumalik sa isip ko ang nakakakilabot na pangyayareng yun. Hindi ko inaasahang sa simpleng pagyayareng yun ay ganito ang magiging epekto sakin. Marami na kong mas higit na nakakapangilabot na naranasan pero hindi ko alam kung panong sobrang mangingilabot ako ngayon ng ganito. Hindi ko kailan man naisip na mangyayare ang bagay na to sa mismong bahay ko at yun ang gumagalit sakin ngayon.
*********
FLASHBACK
*********
BINABASA MO ANG
She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}
Random"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...