193

1.1K 60 9
                                    

Sorry na agad sa super duper late update.

No more explanations na. Basta po sorry. Heheheh

*******

193

*******

LEIGHTON LIV

"Ayos ka lang?"
Tanong ko agad kay Claude sa kabila ng sakit na nararamdaman ko sa ulo at katawan ko dahil maliban sa nag pagulong gulong kami ay tumama pa ako sa isang sasakyan na syang nag pahinto samin sa pag gulong.

Salubong na salubong ang kilay ko sa pang gigigil at agad na sinuri ang katawan ni Claude.

"Y-yes. How about you? Your badly injured."
Sabi nya na puno ng pag aalala. Bakas pa rin ang bigla sa kanya at malamang dahil iyon sa ginawa sa kanya ng mga gagong yun.
"Im so sorry Hermana."
Sabi nya na todo alalay sakin at hindi malaman ang gagawin.

Alam nyang nag kamali sya na basta na lang syang nag tiwala sa mga taong yun na muntik ng kumuha sa kanya mula sa'min.

"Hermana, your bleeding."
Sabi nya na halos maiyak na at hindi malaman ang gagawin sa dugong umaagos sa bandang noo ko.

"Ayos lang ako. Ikaw? Sigurado kang ayos ka lang?"
Tanong ko lang pabalik na hindi parin nawawala ang galit sa mukha.

"Hmm. W-who are those people? Why did they do this?"
Tanong nya pero hindi ko sya sinagot.

"Nakita mo ba ang mukha nila?"
Sa halip ay tanong ko sa kanya pero umiling sya.

"No, they did not removed their masks."

"Anong ginawa nila sayo?"

"Nothing. They did nothing and thats why i trust them. But they betrayed me."
Sabi nya na mukhang may matinding galit.

Hindi na ako sumagot pa at tinitigan lang sya na ngayon ay masama ang tingin sa malayo pero agad na bumalik sa nag aalalang mukha habang paulit ulit na tinatanong ang lagay ko.

Kilala ko si Claude, siya yung totoong halimbawa ng taong madaling kausap at mabait pero nakakatakot at masamang kaaway. Ang pinaka ayaw nya sa lahat ay iyong binibigo sya, tinatraydor at pinapaasa.

Ako naman ay gigil na gigil din pero hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko dahil nagawa ko silang patakasin ng ganun na lang. Hawak kona sila, konting konti na lang pero nabigo pa ko. Nakamaskara sila at pare parehong hindi pamilyar sa akin ang mga presensya nila at iyon ang kinakagalit ko. Pare pareho silang nababalutan ng mga itim na damit, pants at sapatos at maging ng mask na tanging mga mata at ilong lamang ang labas.

Malakas ang kutob kong plinano ang lahat ng ito. Sigurado akong planado ang lahat at kami ang puntirya at iyon mismo ang kinakagalit ko.

'Sinong tarantado naman ang mag lalakas loob na kalabanin kami and worst mukhang sila pa ang nananalo!'

Lalong nag salubong ang kilay ko at parang dumadagdag sa sakit ng ulo ang papalakas at lalo pang lumalakas na sirena ng mga parating na pulis.

'Mga wala talagang kuwenta. Palagi na lang huli sa laban. Para saan pa ang pag dating nila ngayong wala na ang mga salarin? Tss. Hindi namin kailangan ng maiingay na pulis na tulad nila.'

"Hermana, youre bleeding."
Nag aalalang usal ni Claude pero hindi ko na sya pinansin at tumakbo na papunta kay Nixon at agad din namang sumunod sakin si Claude.

Hindi namin pinansin ang makapal na usok na nag mumula sa kotse nya. Wasak na wasak ang kotse dahil sa lakas ng bangga dito kaya naman hindi na nakakapag taka ang makapal na usok na nilalabas nito at ilang oras lang siguradong sasabog na ito.

She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon