203

421 27 26
                                    

WARNING!!!

M-SPG

Medyo SPG ang part na to. (Sex and Drugs) Be ready lang sa mga bata. Pero don't worry, hindi detailed ang gagawin ko.

Sa AshTon na lang natin gawing detailed hehehehehe.

The scene about being a law student on this chapter din po ay base lang po sa minor knowledge na meron ako. Hindi ko po talaga sure kung ganito parin ang set up pero nag research din naman po ako about dito para medyo hawig sa katotohanan. Pasintabi din sa kaso na mababasa nyo dahil pumpatungkol ito sa isang krimen at pinag babawal na gamot. Ito po ay pawang kathang isip lamang hehehe.

Pasintabi po sa mga bata at sa mga may idea sa ganitong field.

Thankyou for keep on waiting!

Next Sunday ulit 😊

**********

203

**********

BRENT ASHTRID BRYLEIGHN

"Babe,"
Mahapdi ang mga matang napamulat ako ng marinig ang malambing na boses na yun ni Cadence.
"Babe, wake up. May pasok ka pa."

"What time is it?"

"Its exactly 5 am. Mabagal ka pa naman kumilos. Come on, bumangon ka na."

'mukhang hindi ko nabanggit sa kanya na 6:30 pa ang pasok ko.'

Pinanood ko syang bumaba ng kama at mag lakad papunta sa closet para pumili ng susuotin ko.
"Nakapag luto na ko ng breakfast mo. Kumilos kana dyan Mister kupad."

"Bakit ang ganda mo ngayon, Misis Sexy?"
Nakangiting tanong ko. Humarap sya sakin at napamewang.

"So you mean panget ako palagi at ngayon lang ako gumanda?"
Naka taas ang isang kilay na tanong nya.

"Well... Muntik lang."

"Excuse me?!"

"Just kidding."

"Che! Maligo ka na nga!"

"Wala ba kong breakfast in bed?"
Kunwari ay nag tatampong tanong ko.

"Nasa lamesa sa dining area ang breakfast mo and your welcome ha. Thank you sa pag appreciate."
Sarkastikong sabi nya kaya naman agad na napatayo ako at lumapit sa kanya. Agad na niyakap ko sya mula sa likuran bago pa man sya malakabas ng kuwarto.

"Hey, i was just kidding. Sorry."
Malambing na sabi ko pero hindi sya sumagot.
"Of course I appreciate it. I always appreciate everything you've done. Napaka suwerte ko nga kase mahal na mahal at alagang alaga ako ng misis ko eh."

Totoo yun. Sobrang saya ko na finally, nag katotoo ang dating pangarap ko lang, yung gigising tuwing umaga na katabi sya, ipag luluto nya ko at syempre ako naman ay gagawin lahat para sa kanila ng anak namin.

'sobrang sarap sa pakiramdam.'

"Tyaka napaka suwerte ko kase ang ganda ganda na ng asawa ko, ang sexy sexy pa."
Dagdag ko pa habang paulit ulit syang hinahalikan sa pisngi.

"Hoy Brent. Alam ko na yan. Para paraan mo na naman."
Sabi nya at hindi ko maiwasang matawa pero hinila ko lang sya pabalik sa harap ko at muling niyakap sa bewang nya ang mga braso ko.

"Napaka sexy talaga ng asawa ko. Ang bango bango pa."
Pang aakit ko at muli syang hinalikan sa pisngi papunta sa leeg.

"Tumigil ka nga, Brent. Ang aga aga ha."

"Yun nga ang maganda eh. You know, alternative exercise."
Sabi ko na marahang kinagat ang tenga nya.

"B-brent, baka ma late ka."
Medyo na uutal na sabi nya kaya naman mas lumaki ang ngiti ko.

She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon