163

1.3K 60 9
                                    

Good mornight mga bebe! Especially sa may special day ngayon na bebe natin! 😊

Happy birthday po sayo bebe! Sorry na late update hehehhe! Ngayon lang natapos at sorry kung hanggang dyan lang 😅

Happy birthday! 🎉🎉🎉

Uy mag kabirthday kayo ni.... 🙊😂

Dedicated for all of my bebe most espcially for @rainmecrazy
Happy birthday ulit 😊

Enjoy mga bebe at next update ulit 😉😘

********

163

*********

SARIYAH

Nahinto ang lahat sa ginagawa at maging si Sir ay nahinto sa pag didiscuss ng biglang pumasok si Ash.

"M-Miss Bryleighn..."
Gulat pang usal ni Sir sa kanya.
"Mabuti naman at pumasok kana."

Pero tinanguan lang sya ni Ash at tyaka nakayukong nag lakad papunta sa upuan nya.

Lahat kami nagulat sa biglaang pag dating nya!

'Ilang buwan syang hindi pumasok and then ngayon bigla syang dadating at ganyan pa ang itsura!'

Bagsak ang katawan nya, namamaga din ang mga mata nya na halatang galing sa pagiyak. Sobrang laki na ng pinayat nya at halatang napapabayaan na nya ang sarili nya.

'Oh God... Ash...'

Lahat kami ay nakasunod lang ng tingin  sa kanya hanggang sa makaupo sya sa upuan nya, nakatitig lang sya sa lamesa nya at tyaka nag angat ng tingin ng mag salita ang instructor namin.

"M-miss Bryleighn?"
Tawag nito sa kanya. Walang buhay namang nilingon sya ni Ash.
"A-are you okay?"

"Sorry im late."
Sagot lang ni Ash sa kanya.

"I-its okay... but you've been absent for almost three months and—"

"If you want to drop me, go on... i wont mind."

Lahat kami ay natulala sa sinabing yun ni Ash.

"N-no... b-but your not an exemption... you need to comply all your requirements a-and special projects.."
Tumango lang sa kanya si Ash.

Lahat kami ay nakatanga pa sa kanya. Halos lahat ay mababakasan ng awa para sa kanya at maging si Sir ay tila hindi malaman ang sasabihin. Nakatulala lng si Ash sa whiteboard at ako naman ay hindi maalis ang tingin sa kanya ng mag salita na ang instructor namin.

"O-okay! Lets continue our discussion."

Nag patuloy sa pag didiscuss ang instructor namin pero nanatiling nakay Ash lang ang tingin ko at ang atensyon ko.

Sa loob ng ilang buwan, kahit wala sila ni Leigh sa campus ay naging laman sila ng usapan. Palaging sila at yung nangyare ang topic ng lahat. Maging yung nnagyare samin nung gabing yun at maging yung biglaang pag kawala ni Leigh.

Masyadong naging magulo ang lahat lalo na ng tila nawalan ng gana si Ash sa buhay nya.

Masyadong maraming nangyare at masyado ring malungkot.

Simula nung araw na iwan kami ni Ash sa ospital, hindi na nya natupad yung pangako nya, hind na sya bumalik para dalawin ako.

Base sa kuwento nila Zay, nang galing daw si Ash sa mansyon ng mga Kellen at doon mismo nalaman na umalis si Leigh at tulad ng sinabi nya sakin noon, hindi namin alam— walang nakakaalam kung kailan sya babalik...

O kung babalik pa talaga sya.

Napabuntong hininga lang ako habang nakatitig kay Ash.

Gustong gusto ko syang tulungan pero hindi ko naman alam kung pano. Isa lang naman ang kailangan para bumalik sya sa dati at yun ay ang bumalik si Leigh pero pano? I mean lahat naman kami walang ideya kung nasan sya!

She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon