Merry Christmas mga bebe. (*^_^*)
Yieehhh sana all may bebe ngayong pasko hahahahaa. Ingat always. May new year pa. Kaya pang paabutin ng new year NANG HINDI KAYO NAG BEBREAK HAHAHAHAHASorry na agad kung isa lang kinaya ng pag update. Ang hirap ng all in one eh. TRY ko po this weekend ihabol yung isa pang chapter.
Gracias mga bebe.
*********
181
*********
ASTRID
Nag salubong ang mga mata namin ni Nerdy. Hindi ko maipaliwanag ang ibat ibang emosyong nakikita ko sa kanya. Mga emosyong tila kusang lumalabas sa kanya.
Galit.
Nasasaktan.
Malungkot.
Nag seselos.
Nagtitimpi.
Parang biglang nagulo ang isip ko at doon ko lang napagtanto kung anong nangyare.
Naging mabilis ang lahat at hindi kona alam kung ano nga bang nagawa ko.
'What have i done?! Iniwan ko sya at mas inuna ang kapakanan ni Zickario!'
Alam kong tama ang ginawa ko. Ginusto ko lang tumulong pero pakiramdam ko ito ang pinaka maling desisyon na nagawa ko. Tamang tumulong ako sa iba pero napangunahan ako ng awa ko.
Hindi ko magawang alisin ang tingin ko kay Nerdy. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin at gawin. Hindi ako makakakilos. Natatakot ako sa nararamdaman nya ngayon. Kinakabahan ako sa kung anong tumatakbo sa isip nya. Natatakot ako sa kung anong sabihin nya. Gusto ko mang pangunahan ang lahat at ipaliwanag sa kanya pero natatakot akong hindi nya ko maintindihan. Ito ang unang beses na nakita ko sa kanya ang halo halong emosyon na to pero hindi ko alam na ngayon din ako makakaramdam ng matinding takot sa paraan ng pag tingin nya sakin ngayon.
'Gusto kong malaman kung anong iniisip mo. Gusto kong marinig lahat ng hinaing mo. Gusto kong sabihin mo sakin lahat ng bagay na tumatakbo sa isip mo.'
Nahinto ako sa pag iisip ng kung ano ano ng ilahad nya sakin ang kamay nya.
'Baby...'
Napatitig pa ko sa kamay nya bago muling binalik ang tingin sa mga mata nya. Blangko ang ekspresyon nya. Parang biglang nawala yung mga emosyong nakita ko kanina at bumalik sa pagiging seryoso ang reaksyon nya.
Maingat na binitawan ko si Zickario at nanginginig na inabot ang kamay nya at tumayo.
'Hindi ko sinasadyang gawin yun. At sana maintindihan nya.'
"B-baby..."
Usal ko sa napakahinang boses pero sapat na para marinig nya. Gusto ko syang titigan sa mga mata nya pero umiwas sya at nakatitig lang sa gilid ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya pero parang napakalayo ng tinatanaw nya.
"Baby... baby im sorry... im so sorry.."
Pag hingi ko ng tawad pero walang nagbago sa kanya kaya naman naluluhang niyakap ko sya. Halos isiksik kona ang mukha ko sa leeg nya.
"Im sorry. Im very sorry. Im sorry."Paulit ulit akong humingi ng tawad pero hindi sya umimik. Naramdaman ko ang paghawak nya sa magkabilang braso ko kaya naman mas hinigpitan ko ang pag yakap sa kanya.
'Please wag mo kong itulak... hindi ko sinasadya...'
Nag matigas ako at pinag saklob pa ang mga kamay ko para malock ako sa pagkakayakap sa kanya at nakahinga naman ako ng maluwag ng huminto sya.
"Ayos ka lang ba?"
Tanong ko na pinipigilan ang umiyak. Tumango naman sya at inangat ko ang ulo ko at pinatong ang baba ko sa balikat nya.
"Baby im sorry... magpapaliwanag ako. Mag papaliwanag ako."
Bulong ko sa kanya pero hindi sya umimik.
"Im sorry... mahal kita baby ko. Mahal na mahal kita."
BINABASA MO ANG
She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}
De Todo"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...