202

379 23 5
                                    

**********

202

**********

CLEYO KLENT LIMBRADO

Nahinto ako sa pagta type ng may kumatok sa pinto. Nanatili akong naka upo at pinag patuloy ang ginagawa dahil alam ko na kung sino ang dumating at hindi nga ako nag kamali. Pumasok si Pieter at hindi ko maiwasang pangunotan ng noo dahil mukhang wala sya sa wisyo.

"Anong nangyare sa lakad mo?"
Tanong ko ng makapasok sya.

Hindi ko maiwasang mag taka dahil madali lang ang naging trabaho nya pero inabot sya ng ilang oras.

"Nagawa ko na."
Sabi nya na tila wala sa wisyo.

"Ng ganito katagal? Hindi ganun kahirap ang trabaho mo Pieter."

"Alam ko. Pasensya na. Dumating ang babaeng Bryleighn kasunod ang girlfriend nito kaya hindi ako naka alis agad."

"Yun lang ang nangyare?"

"Oo."
Sagot nya na parang lutang.

'At ano naman kayang ibang nangyare para maging ganito si Pieter?'

Paniguradong hindi lang yun ang nangyare dahil sa maraming beses na nakaharap nya ang dalawang yun, lalo na ang babaeng Gunner ay hindi ganito ang reaksyon nya. Ngayon ay tila wala sya sa mood.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ang babaeng Gunner. Sa tuwing may bago kaming misyon ay may bago ding palaisipan sakin ang babaeng yun. Sa nakikita ko kay Pieter ay tila napipikon sya at paniguradong dahil yun sa babaeng yun. Masyado syang mailap pero masyado din syang agressive. Masyado ding matalas ang pandinig at pakiramdam nya. Hindi ko maitatangging napapahanga nya ko dahil talagang kakaiba sya. Dahil sa kanya, hindi ko maitatangging naging mahirap samin ang kumilos. Nagagawa nyang maparamdam samin ang kaba at pangamba sa tuwing nandyan ang presensya nya. Nag dudulot ng kakaiba ang presensya nya na para bang isa syang makapangyarihan na dapat naming katakutan. Na para bang hindi namin sya kaya at talagang wala kaming laban sa kanya. Pinaka nakakahanga sa katangian nya ang galing sa pag basa ng kilos. Parang bawat galaw namin alam nya na para bang alam nya din kung kailan kami mahina at takot.

'At nakakainsulto yun.'

Ni hindi ko sya makitang kabahan o matakot man lang. Palagi syang walang emosyon at walang pakielam. Parang sanay sya sa mga karahasan at pakikipag laban at parang wala man lang syang pinag aalala.

"Mukhang wala ka sa ayos, Pieter. Sabihin mo, anong nangyare?"
Seryosong tanong ko at nag salubong naman ang mga kilay nya.
"Ano na namang ginawa ng babaeng Gunner?"
Sinikap kong hindi matawa dahil baka lalo syang mapikon dahil mukhang hindi nya talaga kaya ang babaeng Gunner.

"Wala syang ginawa."
Seryosong sabi nya pero muli ding bumalik ang napipikon nyang mukha.
"Hindi nya ko nakita pero Masyadong malakas ang pakiramdam nung Gunner dahil tatangkain ko pa lang tumakas ay paakyat na sya ng hagdan at kung hindi bumalik ang girlfriend nya ay mahuhuli nya ko panigurado. Yung babaeng Bryleighn ang nakakita sa anino ko pero hindi nya na ko naabutan pa ng makaakyat sya."

"Ganon naman pala, pero bakit ganyan ang itsura mo?"

"Hindi ko maiwasang mag alala."
Nangunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Pakiramdam ko bago pa man natin makita si Valliro ay mauunahan pa tayo ng Gunner at Kellen."
Napaisip din ako sa mga sinabi nya at napasandal sa upuan ko.
"Nag aalala ako sa kalagayan nya. Hindi natin alam kung ano nang nangyayare sa kanya."

'Akala ko ay tungkol sa babaeng Gunner.'

"Kumalma ka, Pieter."

"Paano ako kakalma, Cleyo? Nasa kanila ang kapatid natin paano ako kakalma?"
Galit na tanong nya na tila hindi na pinansin ang pag tatas ng boses nya sakin.
"Hanggat hindi natin sya nababawi ay hindi ako titigil. Kung kailangang pasukin ko maging ang kuta ng mga Kellen ay gagawin  ko mahanap lang si Valliro. Nasa sayo na yun kung sasama ka ba o hahayaan mo lang ako."
Inis na sabi nya at lumapit sa bintana. Nakapamulsa sya at kahit nakatalikod sakin ay alam kong salubong ang mga kilay nya ngayon.

She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon