191
******
ASTRID LANDRY
Parang biglang bumalik ang katinuan ko sa kabang nararamdaman ko ng makita ang anino ng isang malaking tao mula sa veranda. Bagamat bahagyang nahihilo ay sigurado parin ako na may tao sa likod ng salamin, sa labas ng veranda. Pakiramdam ko nag sisimula ng magtayuan ang mga balahibo ko sa takot na nararamdaman. Sinubukan akong bitawan ni Nerdy pero kinapitan ko ng mas mahigpit ang kamay nya. Natatakot ako na baka kapag binitawan ko sya ay bigla na lang nyang sugurin ang taong nasa kabilang parte ng salamin.
Sa kabila ng hilo dala ng alak ay nagagawa ko paring makatingin ng deretso at hindi ko maiwasang maisip na nasa panganib kaming dalawa ngayon. Inasahan ko na pagkatapos ng nangyare kanina ay hindi na ito mauulit kaya naman hindi na ko nag abala pang sabihin kay Nerdy ang nangyare kanina.
'Pero nag sisisi akong hindi ko sinabi sa kanya, edi sana wala kami sa ganitong sitwasyon!'
Nasa likod lang ako ni Nerdy at susubukan syang hihilain pabalik o pipigilan sa tuwing mag tatangka na syang mag lakad palapit dito.
Humawak naman ako sa dibdib ko at pinilit na huminga ng maayos dahil hindi ko maiwasan ang kabahan dahil pakiramdam ko nakatitig na sya ngayon saming dalawa ni nerdy.
Natinag lang ako at mahigpit muling lumaban sa paglakad ni Nerdy palapit sa pinto.
"Nerdy..."
Natatakot na usal ko pero hindi man lang nya ko binalingan, o pinansin.
"Please, umalis na lang tayo dito..."
Pakiusap ko sa kanya habang bahagyang hinihila pabalik ang kamay nya.Gusto ko mang tumakbo palabas o sumigaw para humingi ng tulong pero tulad kanina, natatakot ako na baka may mangyareng masama kapag ginawa ko yun. Natatakot ako na maging dahilan pa yun para tuluyan na kaming sugurin ng taong nasa likod ng pananakot na to at ikapahamak namin o ni Nerdy.
"Nerdy..."
Pero sinenyasan nya lang ako na tumahimik. Tutol man ay wala na lang akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Naiinis ako dahil heto na naman ang pagiging matapang nya na wala naman sa lugar. Yung kahit alam nyang puwede syang mapahamak, susugod parin sya. Nag aalalang tinitigan ko sya pero nanatili sya sa puwesto nya at parang nakikinig o nakikiramdam sa paligid nya tyaka mariing pagmamasdan ang aninong tila nakaharap samin.
Nataranta ako ng tanggalin nya ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Gusto ko mang sumunod sa kanya ay hindi ko nagawa dahil agad na binalingan ko ang pinto ng veranda sa takot na baka biglang may sumugod mula dito.
Nang muli kong sinulyapan si Nerdy ay hawak na nya ang kutsilyong kinuha ko kanina at sandali pa kong napatulala ng makita kung pano nya ito inikot ng ganun kadali sa kamay nya na para bang humahanap ng kumportableng pagkapit dito.
"Nerdy!"
Mahinang giit ko pero sinenyasan nya lang ako na pumunta sa gilid ng isang pader. Ayoko mang sumunod pero wala na rin akong nagawa ng seryoso syang tumingin sakin."Bibilang ako ng tatlo,"
Seryosong usal nya. Hindi pa man nya nabubuo ang sasabihin ay napapailing na ko.
"Tatakbo ka palabas—""No, Nerdy no!"
Mahinang giit ko pero hindi na nya ko sinagot. Binalik na nya ang tingin nya sa anino."Isa,"
Nanlaki ang mata ko ng magsimula na syang mag bilang."N-nerdy—"
"Tatlo!"
Sa gulat at taranta,imbis na papunta sa pinto ang takbo ko ay naging papunta sa kkanya, agad na napakapit ako sa likod nya na ngayon ay tila walang takot na binubuksan ang pinto ng veranda. Napapikit na lang ako at halos malukot ang damit nya sa matinding pagkapit ko pero dahan dahan akong napamulat ng tila hindi sya gumagalaw. Agad na sinilip ko sya pero nakahawak lang sya sa sliding door at salubong ang kilay na nakatingin sa anino. Gusto ko sanang sumilip pero hindi ko magawa dahil narin sa takot at nakaharang sya.
BINABASA MO ANG
She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}
Random"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...