204

600 28 11
                                    

***********

204

***********

LEIGHTON LIV GUNNER

"You damn bitch!"

Mula sa likuran ko ay nangibabaw ang sigaw ni Zickario. Naramdaman ko ang mabilis na pag atake nya pero halos mapasubsob sya sa kalsada ng agad na umiwas ako.

"Pag babayaran mo ang ginawa mo sa mukha ko!"
Galit na sigaw nya na ang tinutukoy ang duguang bibig at ilong na paniguradong nabali sa ginawa kong suntok.

Pero mas lalo nyang kinagalit ang muli kong pag iwas. Para lang akong hangin na lumalayo sa kanya. Gustuhin ko mang patayin sya ngayon ay hindi ko magawa dahil nangingibabaw pa ang sakit at lungkot sa dibdib ko. Pero kapag nangibabaw ang galit ko ay ako mismo ang dadakma sa kanya para tuluyan na syang patulugin.

"Fuck! You're really getting into my nerves!"
Kitang kita ko ang gigil sa pag kuyom ng kamao nya.
"Pag sisisihan mo kapag nahuli kita."

"Then go on."
Malamig na sabi ko.
"Luluhod ako sa harap mo kung mahuhuli mo ko."

Kahit anong pilit ko sa sarili ko na labanan ang lalaking to ay hindi ko magawa dahil parang pagod na pagod ako at walang gana sa mga bagay na pwede kong gawin.

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo kapag nahuli kita. Pinalampas ko ang unang mga suntok mo sakin pero hindi ko na palalampasin pa ang pag papahiya mo sakin!"
Galit na galit na sabi nya.
"Youre gonna regret this!"

Napakadiin ng mga salita nya na para bang ngayon lang sya nahimasmasan sakabila ng mga suntok na ginawa ko nung una pa lang. Maaring para sa iba ay matatakot sila dahil sa mga pag babanta nya pero hindi ang isang tulad ko. Kahit tutukan nya pa ko ng baril hindi nya magagawang patayuin ang mga balahibo ko.

"Mag tutuos tayo kahit hanggang impyerno!"
Nanggagalaiting sabi nya.
"Now i know kung bakit mas pinili ako ni Landry. Dahil wala kang kwenta, walang kakulay kulay ang buhay mo!"
Galit na sigaw nya ng muli ay muntik na syang sumubsob sa kalsad sa pag sugod na ginawa.

Matalim na tinignan ko sya. Mabilis na sumugod sya ulit at napalitan ng gulat ang galit na ekspresyon nya kanina ng sa pag sugod nya ay sinalubong ng kamay ko ang leeg nya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at madiing piniga ang leeg nya.

"Hindi ka nya pinili. Mag kaiba ang ginusto ka sa drinoga. At ang hayop na tulad mo ay nananamantala ng isang babae."
Sabi ko at tyaka pabato syang binitawan.

Napahandusay sya sa lupa at sunod sunod ang pag ubo. Hawak nya ang leeg nya habang masama ang tingin sakin. Ginantihan ko naman iyon ng mas masamang tingin.

"Huwag mo kong subukan. Mag tago kana habang  nakokontrol ko pa ang sarili ko dahil kapag tuluyan akong nademonyo, pati kaluluwa mo tatapusin ko sa impyerno."
Banta ko sa kanya at tyaka bumalik at sumakay sa motor ko.

"Tangna."
Inis na mura ko ng paandarin na sana ang motor ay may kamay na pumatay dito at kinuha ang susi ko.

"Nerdy..."
Huminga ako ng malalim at pinilit pakalmahin ang sarili ko ng marinig ang pag tawag na yun ni Abo. Muling nangibabaw ang lungkot at sakit sa dibdib ko.

"Akin na ang susi. Late na rin umuwi kana para makapag pahinga ka."
Seryosong sabi ko sa kanya.

"Wag mo kong iwan please."
Umiiyak na pakiusap nya. Huminga ulit ako ng malalim at bumaba ng motor ko.

"Umuwi kana. Akin na ang susi."
Matigas na sabi ko.

"Hindi mo na ba ako kayang patawarin? I swear hindi ko sinasadya. Please maniwala ka. A-akala ko ikaw yun... A-akala ko ikaw yung kasama ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon