Hola mga bebes!
Dahil nabura po ang mga chapters na nagawa ko na before, no choice po kundi ulitin ulit lahat 😔😢 kaya umasa po kayong matatagalan pag update. Huhuhuhuhu.
Pero i can assure you na tatapusin ko tong lovely story na ito.
Keep safe everyone!
Thankyou for keep hoping sa update ng dalawang mukhang ewan hehehehe!!
Welcome back sa AshTon Family 😆😁
**********
198
**********
LEIGHTON LIV GUNNER
Salubong ang kilay na sumunod ako papasok ng kotse ni Abo. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya matapos nyang makapag paalam sa mga Limbrado. Paki ramdam ko ay naparaming nangyare sa maiksing minutong nasa loob kami ng bahay na iyon. Noong una ay wala naman talaga akong pakielam pero hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba akong naramdaman matapos akong talikuran ni Abo.
Napapikit ako sa inis dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam at kung ano anong kalokohan ang tumatakbo sa isip ko.
"Tss. Siraulo ka kase."
Hindi ko naiwasang sabihin sa kanya na may sama ng tingin.Nag salubong naman ang kilay nya at ngumuso.
"Ako pa ang siraulo eh ikaw nga tong nang hahawak!"
"Correction. Hindi kita hinawakan."
"Kahit na! Dumikit pa rin yan sa... Sa ano ko!"
Nahihiya pero pasigaw na giit nya.
"Kababae mong tao nang hahawak ka! Bastos ka!""Hindi nga kita hinawakan."
Nagtitimping giit ko naman.
"At hindi ko nga sinasadya. Sinadya ko ba? As if namang gagawin ko yun.""Kahit na! A-alam mo namang private part yun malamang iba epekto nun sa tao! Mang hahawak!"
Napapikit na lang ako na para bang nag iipon ng mas maraming pasensya.
'Bakit ba ginigiit nyang hinawakan ko at bakit ako sinisisi nya?!"
"Kung hindi mo ko hinila hindi magiging ganun ang sitwayon natin."
"So kasalanan ko pa?! kahit hinila kita, hindi mo dapat ako kinapitan! Sa dami ng puwesto bakit ganun pa?!"
"Again, for the nth time, hindi kita hinawakan okay?"
Napipikon na sabi ko pero nanatili akong kalmado.
"Stop being exaggerated.""Tch! Bastos ka. Manyakis!"
Tinignan ko sya ng salubong ang kilay.
"Hindi ako manyakis. Huwag kang OA."Konti na lang talaga mapipika na ko. Wala kaming ibang kasama pero pakiramdam ko napapahiya ako ng sobra. Kung bakit ba naman kase hindi ko nakalkula ang galaw na yun eh!
"Kasalanan mo yun, hindi ako."
Muling giit ko."At panong naging kasalanan ko? Ikaw tong kumapit sakin!"
"Pero hinila mo ko."
"Pero kinapitan mo parin ako!"
"Enough okay? Sorry. I didnt mean to."
Pag suko ko dahil hindi talaga sya papaawat. Kesa naman tuluyan na kong mapika sa pangungulit nya."Parang napipilitan ka pa? Eh ikaw naman talaga may kasalanan nun!"
"Oo na nga diba? So puwede bang tama na?"
"Bakit nagagalit ka? Sinasabi ko lang naman ang totoo!"
"Oo nga. So tama na okay? Pag hindi ka tumigil hahalikan talaga kita."
BINABASA MO ANG
She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}
Random"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...