Hi mga bebe!!!!!
Miss kona kayo, miss ko nang makipag kulitan sa inyo haaha.
Pasensya na kung tipid sa update at sa reply, busy lang kase sa work at pag aaral. Hope you understand mga bebe.
Sorry na sa mga ganap sa buhay ng dalawa nating bida. Ganun talaga kapag reality, hindi lahat ng oras happy. At ganun talaga kapag single si Awtor, gusto maging single din yung mga bida hahhahahahahahahaha.
Love you mga bebe. Thanks in advance for reading and appreciating my story.
Muah muah!
***********
187
***********LEIGHTON
Hindi ko alam kung bakit hindi ko napigilan ang sarili kong bitawan ang mga salitang yun.Iniwan ko syang tulala at tila nagulat sa mga sinabi ko. Hindi ako yung tipo ng taong binabawi ang mga sinasabi sa kahit na sino kaya naman madiing nakuyom ko na lang ang kamao ko sa inis sa sarili ko. Naglakad ako pabalik sa motor ko na may kakaibang bigat sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko at hindi ko din alam kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Nerdy!"
Nahinto ako sa pag soot ng helmet ko at binalingan sya. Malayo ang agwat naming dalawa kaya naman bahagyang malakas ang boses nya.
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo pero, isa lang ang maipapangako ko, hindi ako mapapagod basta ikaw ang kasama ko. Hinding hindi ako mapapagod."Napatitig ako sa kanya. Nakangiti sya na nag pagaan ng nararamdaman ko. Hindi ako sumagot pero binigyan ko sya ng isang totoong ngiti at tyaka tuluyan ng pinaandar ang motor ko.
'Hindi ko alam pero parang nakampante na ko sa mga sinabi mo, Abo.'
Bumusina pa muna ako sa kanya na nakangiting kumakaway bago tuluyang umalis. Narating ko ang bahay ng walang naging laman ang isip ko maliban sa masayang pakiramdam na binigay sakin ng simpleng mga salita ni Abo. Hindi ko alam kung saan nag mumula ang pag aalala ko pero hindi ko rin alam na magiging ganito ang epekto ng mga salitang sinabi nya sakin.
Narating ko ang bahay at katulad ng nakasanayan ay nasa sala si Kim na tila nag aantay habang nag kakalikot ng kuko sa paa nya.
"San ka galing? Sa mansyon?"
Tanong nya pero hindi ko muna sya sinagot. Nilapag ko sa ibabaw ng washing ang helmet ko at tyaka lumapit sa sopa sa gilid nya at naupo dito.
"Huy! Ano bingi bingihan lang?! San ka nga galing?""Dyan lang."
Sagot ko na lang tyaka sinandal ang likod ko at tinitigan sya sa ginagawa nya."Bakit? Gusto mo din?"
Nakangiting alok nya pero inismiran ko lang.
"Sakto tong kulay ng nail polish, pink, eh diba yun yung favorite ni Abo mo?"'Asa naman syang malalagyan nya ko ng ganyan.'
"Pero uy, san ka nga galing?"
"Bakit ba?"
Naiiritang tanong ko."Wala naman! Bakit bawal na bang mag tanong?!"
"Tss."
"Eh saan nga? Hinanap ka kase sakin ni Nixon eh malay ko ba kung saang lungga ka pumunta!"
"Bakit daw?"
Kunot noong tanong ko."Hoy, ako kaya unang nag tanong!"
Tinignan ko muna sya ng masama dahil sa nakakairitang pag sigaw nya bago sumagot.
BINABASA MO ANG
She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}
Random"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...