162

2.9K 98 26
                                    

162

********

BRENT

Isang buwan...

Isang buwan na ang lumipas simula ng biglang mawala si Leigh at sa loob ng isang buwang yun... maraming nangyare, maraming nag bago.

Isang buwan na ring parang wala sa sarili si Dry.

Isang buwan na syang walang matinong tulog.

Isang buwan na syang walang matinong kain.

Isang buwan na syang walang kinakausap kahit sino.

Isang buwan na syang tulala.

Isang buwan na syang hindi pumapasok.

At isang buwan na syang nag kukulong lang sa kuwarto nya.

Lahat kami napaparanoid na lalo na sa tuwing hindi sya sumasagot sa mga tawag namin tuwing kakain o kahit para mangamusta lang! Minsan napapatakbo na lang kami sa tuwing matataranta ang kahit na sino samin sa tuwing wala kaming nakukuhang sagot sa kanya sa takot na baka ipahamak nya ang sarili nya!

Ni isa samin walang makapag palabas sa kanya. Palagi syang hinahatiran ng pagkain nila mommy pero sa tuwing babalikan namin ang tray na iniwan sa kuwarto nya, halos iilan lang ang bawas.

Lahat kami nag aalala na sa kanya. Wala na syang pinapakinggan. Kahit umiyak na si mom sa pag aalala, wala parin! Ako, si Dad, si Nay Lorna, Si mom o kahit si Chairman hindi nya pinapakinggan!

Gusto kong mainis sa ginagawa ni Dry sa sarili nya pero lumalamang ang takot at pag aalala ko para sa kanya. Mahina ang katawan nya at natatakot akong baka bumigay to dahil sa ginagawa nya!

Nakakahinga lang ako ng maluwag sa tuwing maririnig kong bumubukas ang pinto nya pero madalas wala syang pinapansin samin. Mas gusto nyang kumain mag isa, tapos pag katapos nun aakuat na agad sya at mag kukulong na naman!

Lahat kami walang magawa!

Shes my sister, and shes my only princess kaya naman nasasaktan ako sa para sa kanya. Nasaktan sya noon kay Ryker pero higit pa yung sakit nakikita ko ngayon sa kanya dahil kay Leigh!

Gusto ko syang puntahan, damayan, kausapin o kahit bantayan man lang pero palagi nya kong tinataboy... kahit si mommy na pinaka close nya sa lahat ayaw nyang kausapin.

'What useless brother i am! Wala man lang akong magawa para sa kanya!'

Sobrang minahal nya si Leigh at kitang kita ngayon ang resulta.

Sa tuwint tatawagan ko si Dry para kamustahin wala syag ibang bukang bibig kundi 'nerdy?' Na para bang si leigh lang ang gusto nyang kausapin o palaging naghihintay sa tawag nito!

Bigla tuloy akong napaisip...

'Ganun din kaya si Leigh nung iwan sya ni Cadence?'

Malalim na napabuntong hininga ako.

"Hey babe... are you okay?"

Sa sobrang lalim ng mga iniisip ko ay nawala sa isip kong kasama ko pala si Cadence sa kotse para ipa check-up sya.

"Yeah..."
Sagot ko na lang na bahagyang ngumiti sa kanya tyaka tinuon ang tingin sa kalsada.

"May problema ba? Is it about Ash?"
Tanong nya kaya hindi ko maiwasang maipakita sa kanya ang lungkot ko.

"Yeah... hindi na naman sya sumabay kila mom kanina... im really worried."
Pag amin ko.

"Ano kaba naman. Normal lang na maging ganun sya."
Kaswal lang na sabi nya kaya agad na nag salubong ang kilay ko sa kanya.

She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon