192

1K 54 29
                                    

192

*****

LEIGHTON LIV

"Ahhhhh."
Maingay na hikab ni Jay kasabay ng pag unat na para bang pagod na pagod. Katatapos lang ng klase namin para sa buong araw na to at talagang matrabaho ang naging araw namin ngayon.
"Buti na lang tapos na ang parusang araw na to!"

"Pagod na pagod talaga?"
Nakangiwing kontra sa kanya ni Aj.

"Bakit? Nakakapagod naman talaga ah? Nakakantok pa."

"Eh bakit naman kase parang puyat ka? Pag pasok mo pa lang kanina parang gusto mo ng umuwi at matulog."
Sabi naman ni Kim at parang tangang biglang nanlaki ang mata.
"Pucha! Hindi kaya—"

"Wahhhhh! Oo nga! Bakla kayo! Anong feeling?!"
Tanong naman ni Aj na parang excited na excited.

Hindi ko sila pinansin at patuloy lang kami sa pag lalakad papunta sa classroom ni Claude para sunduin sya.

"Ano bang sinasabi nyo?! Mga baliw! Walang ganun no!"
Sagot naman agad sa kanila ni Jay.

"Wala daw? Eh parang puyat na puyat ka nga eh. Tapos parang pagod na pagod pa."

"Tumpak na may pakpak!"
Si Aj.
"OMG! Kaya siguro wala si Amya, kase pinagod mo kagabi!"

"Huy! Yang bunganga mo!"
Agad namang sita ni Jay sa kanya pero nag tawanan lang sila ni Kim na para bang talagang natutuwa sila.
"Walang ganung nangyare okay?!"

"Ito naman. Mag asawa naman kayo,"
Pabulong na sabi ni Kim.
"Ayos lang naman na gawin nyo yun. Di na kailangang itago no. Para ka namang others."

"Wala ngang ganung nangyare okay? Wala. Hindi kami magkasama sa bahay at lalong hindi kami mag kasama sa kuwarto no. Sa papel lang kami kasal."
Sabi nya na mababakasan sa boses ang lungkot na mukhang hindi nya napansin na kumawala sa loob nya. Nag katinginan pa sila Kim at Aj.
"Isa pa, masyado pa kaming bata para sa ganung bagay."
Sabi nya na muling nabalik sa dati ang aura.

"Oo na, baklang to! Akala mo naman pinanganak ng panahon ng hapon kung mag salita. Eh ang dami dami na ngang una pa ang chukchakan bago ang pag papaligal sa pamilya!"
Si Aj.

Kung ano ano pang pinag uusapan nila pero hindi kona sila pinansin pa dahil kunot ang noong bumaling na ako sa loob ng classroom ni Claude. Tapos na ang klase nila pero nakaupo parin sya sa upuan nya habang pinalilibutan ng ilang kababaihan.

"Anong meron? Audition?"
Birong tanong ni Kim na sumulip sa loob.

Walang sumagot sa kany at pare pareho lang kaming nakatingin sa loob at pinag mamasdan ang nangyayare dito.

"How about this one?"
Tanong ng isa sa apat na babaeng nakapalibot dito.

"Whats that?"
Tanong ni Claude.

"I baked this one. Its tripple chocolate cake."

"It looks delicious."
Parang kinilig naman yung babae ng kunin ni Claude ang hawak nitong box.

"Try this Claude,"
Singit ng isa.
"I asked my father to bought it in Spain."

"Really? But im not really into that kind of Food."

"What? But they said that almond nougat is famous in Spain."

"Yeah. In christmas."
Baliwalang sagot ni Claude dahilan para mapasimangot at mahiya ang babae.

Nag patuloy pa sila sa pag bibigay ng kung ano kay Claude habang si Claude ay akala mo panel sa research na isa isa itong chinecheck.

"Ayos din yung kapatid mo ah, akala mo kpop sa fans dami ng fans hahaha."
Sabi ni Kim pero tinignan ko lang sya.

She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon