Hi bebes!!!!!!!!!!!Namiss ko kayo!!!
Sorry sa napaka tagal na hindi pag update. Halos ilang buwan na rin. Sobrang nastruggle ako sa life and mental state ko but I'm doing well na.
Thankyou sa mga walang tigil na pag hihintay at pag asam na magkaron ng end ang story na to!!
Sisikapin kong matapos to at makagawa pa ng ilang mga story.
Welcome back ulit sa story mga bebe
Lovelots ♥️♥️
**********
200
**********
KIMORA HAITTEE
Nangunot ang noo ko ng makita si Leighton na may hawak na sigarilyo sa kamay nya. Nilalaro nya ito at pinapaikot sa mga daliri nya habang ang kabilang kamay ay paulit ulit na binubuhay at pinapatay ang apoy sa lighter nyang antigo na ewan ko kung saan nya nakuha. Hindi na ko nakatiis at lumapit na sa kanya, naupo sa pang isahang sopa dahil para na syang timang na panay ang buntong hininga.
"Huy!"
Pag tawag ko pero ang gago hindi ako pinansin, ni pag lingon wala at bumuntong hininga lang.
"Akala ko ba tumigil kana mag yosi?""Nakikita mo bang hinihithit ko?"
Walang emosyon pero mababakasan ng pagiging sarkastiko ang boses nya.'Gago talaga to kahit kailan. '
Pero hindi parin sya tumigil sa kakabuntong hininga.
"Anong meron? Hindi kaba makahinga? Panay buntong hininga mo dyan? Kina cool mo yan? Tangek mukha kang timang."
"Tss."
"Ayos trip mo ngayon ah. Siguro may nangyare na naman no?"
"Ano bang sinasabi mo? "
"Sus! Kilala na kita. Kahit utot mo alam ko na no. "
Sabi ko na hindi pinansin ang pagkunot ng noo nya.
"Kanina ka pa ganyan, parang timang na paulit ulit sa pag lalaro dyan tapos panay buntong hininga kapa. Eh ganyan ka lang kapag may sapak ng problema eh. Ang kaibahan lang hindi kutsilyo yang pinag lalaruan mo ngayon. "Tinignan nya ko ng masama.
'Eh totoo naman.'
Last time paulit ulit nyang hinahagis sa ere ang isang maliit na kutsilyo habang nakatingala sya, nakasandal ang ulo sa likod ng sopa at partida! Nakapikit pa sya habang binabato sa ere yung kutsilyo na kapag nagkamali ng salo, paniguradong tatarak sa noo nya!
'Pero sabagay, paniguradong kahit guluhin ko pa sya hindi parin tatarak yun sa kanya, baka nga sakin pa tumarak yun pag nangulit ako eh. '
Kaya malakas din loob ko ngayon na umepal kase kahit ihagis nya ang mga hawak nya, ayos lang dahil kaya ko pang saluhin ang sigarilyo at lighter.
Nabalik ako sa wisyo ng marinig ang malalim at matunog na buntong hininga nya.
'May sapak nga to. '
"Ano ba talagang nangyare?"
Hindi ko na naiwasang magtanong dahil mukhang konting push lang dadaldal din to."As if namang may maitutulong ka."
Walang emosyong sabi nya kaya naman agad napataas ang kilay ko."Ay! Ay nako ako pa talaga ha. Hoyyyy Leighton! Si Kimora to, ang magandang si Kimora to na mas matalino pa sayo pag dating sa pag sulosyon ng problema no!"
'Gagong to. Pinalabas pang wala akong kwenta. '
"So ano nga? Dami ko ng dada ha!"
Muli syang tumitig sakin na para bang nag dadalawang isip talaga kung mag sasalita o hindi. Sa huli sya din ang nag bawi ng tingin at muling bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}
Random"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...