177
*******
ASTRID
"Ang kapal ng mukha! Mukha naman syang may pinag aralan pero bakit hindi nya ko maintindihan?!"
"Ash, calm down."
"Pano ako kakalma Zay?! Yung ideya pa nga lang na hindi nya ko tinitigilan umiinit na ang dugo ko pero yung malaman kong dito pa sya nag aaral lalo akong naiinis!"
"Pero girl, saan mo ba kase nakita ang siraulong yun?!"
Tanong ni Sari.Matapos umalis ang jerk na yun ay nag lakad na kami papunta sa senior high buildings at wala akong pake kung pagtinginan o pag usapan ako dahil talagang naiinis ako!
"Sa Calayan ko sya unang nakita pero hindi ko alam na ganun pala kakitid ang utak nya! Sana pala sa isla pa lang pinalunod kona sya kay Nerdy!"
Talagang nabubuwisit ako sa lalaking yun at mas dumoble o trumiple pa ata ngayon!
"Gosh! Of all people na nagkagusto sakin, kahit nga yung mga gagong sumisipol sakin hindi ako nainis ng ganito pero sya?! Gustong gusto ko syang ingudngod sa semento!""Ash, kumalma ka. Baka naman mag hyperventilate kana naman."
Paalala ni Zay na bahagyang nagpakaba sakin. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at huminga pa ko ng malalim pero hindi man lang nabawasan nun ang galit sa dibdib ko."Kung kailangang masaya na ko sa buhay ko, eepal pa ang buwisit na jerk na yun!"
"Ayan! Mabuti na lang talaga at hindi ako sobrang ganda! Nakakastress pala!"
React ni Sari at napaisip naman ako sa sinabi niya."Sar, this is serious matter. We still dont know that man at babae parin ang kaibigan natin."
Si Zay."Alam ko naman no! At naiinis din ako syempre!"
Sabi nya na salubong na salubong ang kilay.
"Siguro iwasan mo na lang na magkabangga kayo girl. Malaki naman tong school eh.""Thats what im doing! Do you think gusto kong mapalapit sa jerk na yun?!"
Inis na sabi ko habang nakaturo sa hallway na nilakaran kanina ng lalaking yun.
"Gustong gusto ko na ngang ipakulong ang jerk na yun! Gosh! Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya!""Pakulong agad girl? Oo ang jerk nya pero grabe naman ata sa pakulong?!"
Si Sari."He's a stalker! Sinusundan nya ko palagi Sar! Sa isla, sa hotel na pinuntahan namin ni nerdy and then ngayon! What if isang baliw na stalker pala yun?! Kahit sinong lalaki— Kahit mas guwapo pa kay Ryker o kay Kuya kung ganun naman ka baliw, no way!"
Hindi na sila umimik na para bang nag iisip sa mga sinabi ko.Gusto ko syang deadmahin na lang tulad ng palagi kong ginagawa sa mga naging stalker kona before pero hindi ko kaya! Tuwing makikita ko palang sya nanggigigil na ko sa inis! Siguro kung yung dating Astrid pa ko, baka pinagtripan kopa sya at ginawang miserable ang buhay nya!
"Siguradong magagalit si Nerdy kapag nalaman nya to."
Nag aalalang sabi ko."Why would she? Wala ka namang ginagawang kasalanan."
Sabi ni Zay."I know... pero... e-ewan ko ba. Pakiramdam ko sa tuwing makikita ko palang ang lalaking yun nag aalala na kong baka magalit sya sakin!"
"Girl, dun sa guy oo, pero we know Leigh naman. And im pretty sure na hindi sya magagalit sayo!"
Comfort ni Sari sakin at tumango pa si Zay na parang sumasangayon."Nakakainis kase! Buwisit yung manyakis na jerk na yun! Sana pinakulong kona talaga sya! Pinalampas ko ang pag sunod sunod nya sakin! Pero ngayon?! Pati ba naman dito guguluhin ako?! Kulang pa yung pag sapak ko sa kanya! Sa tuwing naaalala kong hinalikan nya ko, lalong kumukulo ang dugo ko!"
BINABASA MO ANG
She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}
Random"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...