183

1.2K 64 17
                                    

183

*********

ASTRID

Nang idismiss ang klase ay agad na nag labasan ang mga kaklase ko. Dahil masyado akong ganado sa pagdo drawing ay halos nagkalat ang mga gamit ko sa lamesa ko kaya naman naiwan ako sa room ng mag isa. Masaya ako ngayong araw dahil sa mga magagandang resulta ng pag aaral ko ngayon. Naperfect ko ang ilang mga quizzes namin at kung hindi naman perfect ay matataas ang nakukuha ko. Maging sa recitation, seatworks, mga workbook exercises ay matataas ang scores ko. Maging sa math nga na hirap ako ay mataas din ang nakuha ko kaya naman puro papuri ang binigay sa akin ng mga instrutors ko at lahat sila nag sabi pa na babanggitin daw nila ito kay dad kahit na ilang beses akong tumanggi.

'Well, decision nila yun, bahala sila.'

Hindi ko nga din maintindihan kung bakit ganito ako kaganado sa pag aaral sa kabila ng puyat ko. Hindi kase ako masyadong nakatulog dahil sa kakaisip sa napakaraming bagay.

'At lahat yun tungkol kay Nerdy.'

Napabuntong hininga na lang ako tyaka pinilig ang ulo para alisin sa isip ko ang mga bagay na gusto ko munang kalimutan.

Dahil nga nahuli ako ay wala ng tao nang lumabas ako. Agad na dumeretso naman ako sa locker area pero hindi pa ko masyadong nakakalapit dito pero agad na natanaw ko si Zickario kaharap ang asawa nya. Hindi sila nag sasalita at pareho lang silang nakatitig sa kung saan pero base sa kunot ng noo nila ay mukhang nag tatalo sila.

'Bakit naman sa dami ng lugar dito pa napiling mag talo ng mag asawang to?!'

Hindi ako makaderetso dahil nasa malapit sa kanila ang locker ko at mukhang kailangan ko pa silang hintayin na matapos. Hindi naman malayo ang puwesto ko sa kanila kaya naman hindi ko naiwasang marinig ang pinag uusapan nila.

"Iuwi mo na ko."
Seryosong sabi ni Catastrophe pero matunog na ngumisi lang si Zickario tyaka kumamot sa sintido nya na para bang naiirita.

"Hindi mo ba kayang umuwi mag isa? Nakarating ka nga dito ng hindi ako kailangan, kaya mo ding umuwi ng wala ako."

"Gusto ko ng umuwi."

"Then go on. Hindi kita pipigilan."

"Zick naman. Umayos ka nga!"

"What? Are you really expecting me na ihahatid ka? Thats bullshit Cat."
Sarkastikong sabi ni Zickario. Huminga naman ng malalim si Catastrophe na parang nauubusan na ng pasensya.

"Please? Im tired."

"Pagod kana pala, eh bakit hindi kapa umuwi? Cat, im not your driver."

"Zickario naman?!"
Sigaw ni Catastrophe. Bahagya pang napagalaw ang balikat ko sa gulat sa biglaan nyang sigaw.

"Wag kang sumigaw dito. Wag kang mag iskandalo."
Salubong ang kilay na sabi ni Zickario. Nawala ang tila mapang asar na ekpresyon nya at napalitan ng inis.

"Hindi ako nag eeskandalo, ang gusto ko kausapin moko ng matino!"

"Ano bang pag uusapan natin? I already told you, pupuntahan kita if im ready to hear your so-called excuses."

"Pero kelan pa? Zick kelan paba ako mag hihintay?"

'Dont tell me ganito ang relasyon nila? Pero mag asawa sila diba? Bakit kailangang mag away sila? Kapag mag asawa ang dalawang tao, dapat ay malambing sila at hindi ganito na nag tatalo.'

Napailing ako ng paulit ulit. Hindi ko maiwasang manghinayang sa relasyon nila kung sakali. Parang ibang Zickario at Catastrophe din ang nakikita ko ngayon kaya naman hindi ko maiwasang patuloy na makinig sa kanila.

She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon