184
********
CLEYO
"Mga estupido!"
Malakas na sigaw ni Chairman.
"Paanong pumalpak kayo?! Matagal na natin tong pinag handan paanong pumalpak kayo?!"
Hindi namin nagawang sumagot ni Pieter.
"Nasaan ba ang mga utak ninyo?! Bakit hinayaan nyong ngayon pa lumabas iyang katangahan ninyo?! Mga inutil!"Bumuntong hininga ako at hindi maiwasang ang mag alala sa lagay ni Pieter.
'Sana maging ayos ka lang Pieter.'
Maging ako ay hindi inaasahan ang kapalpakang nangyare ngayon. Planado na ang lahat pero heto nga at pumalpak pa. Hindi ko ito matanggap dahil ito ang kauna unahang beses na pumalpak ako sa buong buhay ko! Hindi naman dapat magiging ganito kung hindi naging kumplikado ang sitwasyon. Naiintindihan namin ni Pieter ang galit ni Chairman pero mahalaga ngayon ang lagay ni Pieter. Sya ang pinaka napuruhan sa palpak na trabahong ginawa namin.
*COUGH* *COUGH*
"Dad, kailangan nating dalhin sa ospital si Pieter."
Hindi kona napigilang iusal dahil sunod sunod na umubo si Pieter. Bakas din ang pag inda nya sa tama nya pero alam kong nahihirapan sya."¡Eres muy estúpido!" (You are very stupid!)
sigaw nya sakin kaya napakunot ang noo ko sa inis at pagkapahiya."Pero dad, puwede naman natin tong pag usapan matapos mabigyan ng paunang lunas si Pieter!"
Giit ko na pinipigilan ang sumigaw dahil mataas parin ang respeto ko kay dad."Kung bakit naman kase pinairal ninyo ang katangahan ninyo! Hindi kayo nag iingat!"
Pasigaw pang sabi nya habang pinapatay ako ng masama nyang tingin. Gustuhin ko mang salubungin ang galit ni Dad ay hindi ko magawa dahil alam ko namang ako ang dapat sisihin sa katangahang ito.
"Nababaliw kana ba Cleyo?! Saan na napunta ang utak mo?! Sa tingin mo puwede tayong pumunta nang ospital sa lagay nyang yan?! Tawagan mo si Doctor Moirnet at papuntahin mo sya rito! Ngayon din, ora mismo! Gusto kong ayusin nyo ang katangahang ito!"
Duro nya sakin tyaka galit na tumalikod na samin.Sinundan ko pa sya nang tingin pero agad na natinag ng marinig ang sigaw ni Pieter na noon nya lang nailabas sa matagal na pag pipigil. Agad akong lumapit sa kanya at diniinan ang pagbibigay ng pressure sa tiyan nya kung saan sya may tama. Tagaktak na ang pawis nya at namumutla na rin ang labi nya. Napakahirap sakin ng sitwasyon na to dahil wala akong ibang magawa kundi ang panoorin sya dahil wala naman kaming ibang maaasahan. Lingid sa kaalaman ng lahat ang ganitong uri ng pag katao namin sa lahat. Sa mga oras na may plano kaming ginagawa ay tiyak na wala ang mga kasambahay o ang kahit na sino dahil hindi nila puwedeng malaman ang ginagawa namin. Sa ganitong sitwasyon ay sa isang sikreto at pribadong pinto kami dumaan at walang sinuman ang nakakaalam nito kundi kami lang.
Hinubad ko ang jacket na soot ko at dinagdag ito sa telang nakatakip sa mga tama nya.
"Kaunting pag titiis pa, Pieter, tatawag ako ng doctor."
Pakiusap ko at kinuha ko ang kamay nya.
"Hawakan mo to. Tiniisin mo ang sakit."
Eabi ko pa at pilit na inalalayan ang nanginginig na mga kamay nya sa tiyan nya kung saan mukhang malaki ang tama.Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa sobrang pagkatarantang nararamdaman ko. Nanginginig din ang mga kamay ko habang mabilis na pinipindot ang mga numero ng doctor na makakatulong sa amin. Wala akong pakielam kahit mag kalat ang mga dugo sa lamesa ko at sa mga gamit ko dahil higit na mahalaga ang buhay ni Pieter.
'Hindi ako papayag na pati si Pieter mawala sakin.'
"Yes, hello? This is—"
"Dr. Moirnet."
Hinihingal na sabi ko dahil sa matinding kaba habang hindi inaalis ang tingin kay Pieter.
BINABASA MO ANG
She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}
Random"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...