178

1.2K 60 16
                                    

178

********

ASTRID

Agad na nag sikilos ang mga bodyguard ng makabawi ang mga ito at iginaya ang lahat papasok ng campus. Walang duguan pero nag kakagulo ang mga tao, estudyante o hindi lahat ay nag papanic at natatakot dahil sa nangyare. Maging ako ay hinila ng isa sa mga bodyguard papasok ng school.

Nag papanic ang mga estudyante at may ilang nag iiyakan pa dahil sa takot na nararamdaman.

Dumeretso kami sa office ni Dad at naabutan namin syang parang hingal na hingal at agad kaming dinaluhan.

"Dios Mio! Ayos lang ba kayo?!"
Nag aalalang tanong nya samin pero walang sumagot sa kanya.

Hindi rin sya mapakali at nakamasid kay Chairman na kasalukuyang sinusuri ng doktor dahil mukhang nahihirapan syang huminga.

"Grace! Utusan ang mga guro! Panatilihin sa loob ng classroom ang mga bata at bantayang mabuti!"
Utos ni Dad kay Sec. Grace at tumango naman ito.
"Hindi pa natin nasisiguro kung ligtas ng lumabas kaya manatili ang lahat sa classroom!"

"Yes Dean."

"Honey, are you okay?"
Puno ng pag aalalang tanong ni mom at hindi ko alam kung pang ilang beses na nga ba nyang tinanong yun. Nandito kaming lahat at balot ng takot, pagkalito at kaba.

Hindi ako sumagot kay Mom dahil pakiramdam ko huminto ang mundo ko at hindi mawala ang inis ko kay Nerdy. Sumugod sya ng basta basta na para bang walang pakielam kung anong posibleng mangyare sa kanya! Ni hindi man lang nya naisip na puwede syang mapahamak at hindi man lang nya naisip na may nag aalala sa kanya!

'Pakiramdam ko literal na tumigil ang paghinga ko sa ginawa nya! Nakakaasar sya!'

Mas lalo akong naiinis dahil hindi man lang nya ko kinamusta! Abala parin sya sa pagkausap ng kung sino-sinong matatas na tao sa labas ng office na para bang isa syang detective o pulis! Gusto ko syang lapitan pero hindi ko magawa dahil maliban sa pinipigilan ako ng pamilya ko at ng mga pulis ay tinitignan nya ko na para bang inuutusan akong wag lumapit. Ilang beses akong nag tangkang lumabas pero hindi kona magawa ng may humarang na mga guard sa pinto kaya panay lang ang sulyap ko sa kanya.

"Dry, sit down."
Sita sakin ni Dad. Sa sobrang pag iisip hindi ko man lang namalayan na nag papaikot ikot na pala ako sa loob ng office at panay ang tingin kay Nerdy sa labas. Salubong ang mga kilay nya at parang may bahid ng inis sa mukha nya.

Nanlulumong naupo ako sa harap ni Dad at napahilamos sa mukha ko.
"What the hell is going on?"
Wala sa sariling naibulalas ko.

Litong lito ako at nagagalit sa kabila ng kaba at takot na nararamdaman ko. Bahagya pa silang natigilan ng dahil sa sinabi ko.

"Landry."
Sabay sabay na saway sakin nila Dad, Mom at kuya.

"Watch your words young lady."
Dagdag pa ni dad.

"Can somebody tell me—what the hell is going on?!"
Muling tanong ko na hindi pinansin ang sinabi ni dad pero sa kanya ako nakatingin.
"Dad? Puwede bang at least ipaliwanag nyo man lang sakin ang nangyayare?!"
Tanong ko na pinipigilan ang sariling sumigaw.

"Landry..."
Pag tawag sakin ni Mom pero nanatili ang tingin ko kay Dad.

"Landry, this is not the right time to discuss this matter—"

"Then when?!"
Pigil ko sa kanya na napatayo sa upuan.
"Kapag may napahamak na?! Dad, nakita nyo ang nangyare kanina! Muntikan ng mapahamak sila mom, sila kuya, ang pamilya ni kuya, si Chairman! Tapos hindi ito right time?! Im begging you... i know theres something wrong so please tell me?"
Sabi ko na may himig ng pakikiusap.

She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon