189

1.1K 60 16
                                    

Hi mga bebe. Sorry ha. Puro na lang ako sorry. Hehhehe. Nung Wednesday lang po ako nakapag wattpad kaya naman ito muna. Sensya na sa pag sosorry ko. Hehhehe.

Isipin nyo na lang binibitin ko kayo kase malapit nang mag end.

Oppppssss. Hahahaha

Sana wag nyo kong i hate hehehhe.

PS.

Wala po akong alam and experience about sa hundred island kaya nag base lang po ako sa sinabi ni Manong google.

Yun lang!

Gracias!

*********

189

**********

CATASTROPHE

Nagising ako dahil sa isang pamilyar na matapang na amoy ng pabango. Mabango naman ito pero para sakin masakit ito sa ilong kaya naman pikit matang kinuha ko ang unan at tinakip ito sa mukha ko para bumalik sa pagtulog pero hindi kona magawa. Bumangon na lang ako at tyaka nag unat at inayos ang hanggang balikat kong buhok bago lumabas ng kuwarto. Hindi nga ako nag kamali, sabagay hindi namna ako nag kakamali pag dating kay Zickario. Nag bago man ang trato nya sakin, lahat naman ng bagay tungkol sa kanya ay hindi nag bago, and unfortunately kasama doon ang paborito nyang pabango na halos ipangligo na nya.

"You smell good."
Puri ko na kinalingon nya sakin. Hindi ko talaga gusto ang tapang ng amoy ng pabango nya pero hindi ako nag sisi na tiisin amuyin yun dahil binigyan nya ko ng isang ngiti, isang totoong ngiti. Pakiramdam ko tuloy bumabalik na ang feelings nya sakin.

"Mabuti naman at hindi ka na nag rereklamo."
Sabi nya na may ngiti parin kaya nakangiting nag kibit balikat lang ako.

"Your my husband, kaya siguro nasanay na ko at nabanguhan."
Nakangiting sabi ko pero ngumisi lang sya na para bang nakakatawa ang sinabi ko. Lumapit ako sa ref at kumuha ng tubig dito tyaka nag salin sa baso. Sumandal ako sa island counter hawak ang baso at tinignan syang mabuti.
"Are you going somewhere?"

"Yeah. I want to eat breakfast."
Nakakapanibago talaga ang pag ngiti nya habang kinakausap ako. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib ko dahil pakiramdam ko wala syang paki sakin na para bang kakain sya kahit wala ako.

"Then lets go together. Hintayin mona ko, mabilis lang ako."

"Sa baba na lang kita hihintayin."
Sabi nya kaya nahinto ako sa paglakad at tinignan sya na tapos na sa kakaayos sa buhok at damit nya.

'Thats really his obsession, his hair and clothes.'

"So, how do i look?"
Nakangiting tanong nya.

'Handsome, just like always.'

"The best."
Nasabi ko na lang. Nakangiti man ako pero isa iyong malungkot na ngiti.

"Thanks."
Sabi nya na muling humarap sa salamin at inayos ang buhok. Kakaiba din ang ngiti nya at pakiramdam ko may dahilan ang ngiting yun.
"Mauna na ko sa baba. Bilisan mona lang. Bye."
Sabi nya at hindi na ko hinintay pang sumagot at dumeretso na agad sya sa pinto at agad ding lumabas.

Ilang sigundo pa kong napatitig sa pinto bago bumuntong hininga. May ideya na ko kung bakit biglang naging masaya at palangiti sya at yun ang kinakabagsak ng mga balikat ko. Pano na lang kaya kung malaman nya na yung babaeng kinalolokohan nya ngayon ay nasa harap lang ng kuwarto namin ang kuwarto? I dont want to think anymore.

Kinuha kona lang ang mga gamit na kailangan ko tyaka pumasok ng banyo para maligo. Nasasaktan ako at nalulungkot pero ayoko namang sayangin ang pag kakataon na to para bumawi sa kanya at masulit na makasama sya. Gusto ko ulit mapalapit sa kanya, makuha ang loob nya at maging maayos kami. Ayoko na ng ganitong pakiramdam, masakit na masyado na parang palagi nya kong tinataboy palayo, na palagi nyang pinaparamdam sakin ang mga pagkakamali at sinayang ko at pakiramdam ko wala na talaga syang paki kahit na sobrang nasasaktan na ko. Pakiramdam ko wala nang hihigit pa sa sakit ng malamig na trato nya sakin.

She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon