Natasha's POV.
Awtomatiko akong napaupo sa tabi ni Selene at saglit siyang tinitigan.
"Ang aga mo naman atang pumunta rito?"
"Hmm?" luminga-linga muna siya bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"As you can see maraming lalaking nandito"
"Tapos?" bahagya siyang natawa at napailing. Tumayo siya at humarap sa'kin.
"Come with me. Nag-rent ako ng kuwarto para sa'tin" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
K-kuwarto?!
"Uhh—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang maglakad na siya. Kaya naman kinuha ko ang tray na may laman na alak at pulutan bago sumunod sa kaniya.
Naglakad kami papasok sa hallway ng mga kuwarto na nire-rentahan ng mga customer.
Huminto kami sa isang di-kalayuan na kuwarto at nagpatiuna siyang pumasok kaya sumunod ako. Nagsisimula nang kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa kung ano-anong naiisip ko.
Pagkapasok ay inilagay ko sa bedside table ang tray; ni-lock niya naman ang pinto at umupo sa kama. Tinitigan niya ko at bahagyang natawa.
"What's with that face?" natatawang sabi niya.
"H-huh? Bakit?" takang tanong ko at hinawakan ang mukha ko.
"Namumutla ka" she said chuckling.
"A-ahhh.. baka sa make-up ko lang. Hindi pa kasi ako masiyadong marunong e. Baka nakapalan ko yung foundation h-hehe" natawa siya at hinatak ako paupo sa kama.
"Let me see" sabi niya at tinitigan ang mukha ko. Pakiramdam ko naman ngayon ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.
"Ayos lang naman yung make up mo ah? Baka naman may iniisip ka lang?" nakangising sabi niya. Agad naman akong umiling.
"W-wala ah! Ano namang iisipin ko?" natawa lang siya at kumuha na ng alak.
"Don't worry, magkukuwentuhan lang naman tayo rito" sabi niya at ininom na ang alak. Umayos naman ako ng upo at medyo lumayo sa kaniya.
"Pwede kang kumuha ng alak kung gusto mo"
"Hindi ako nag-iinom e"
"Light lang naman 'to, hindi ka malalasing kapag isang bote lang" nilingon ko ang natirang tatlong bote ng alak at kumuha ng isa.
"Anong pagku-kuwentuhan natin dito?" tanong ko at ininom ang alak. Kumain din ako ng pulutan na in-order niya.
"Anything" nilingon ko siya.
"Pwede bang matanong kung nasaan ang kapatid mo?"
"Nasa bahay namin. Hindi naman siya pala-labas at may kasama siyang katulong doon. May condo ako pero minsan lang akong pumunta ro'n kapag may maaga akong meeting sa trabaho. Malapit kasi ang condo sa company"
"Ohhhh. Close kayong dalawa?"
"Hmm. Simula kasi no'ng bata pa kami, kaming dalawa nalang talaga ang magkasama dahil inabanduna kami ng mga magulang namin. Hindi ko alam kung bakit pero.. hindi na namin sila ulit nakita. Tapos ayun nga, may mabuting loob ang tumulong sa'min kaya heto na kami ngayon"
"Wow.. buti pa kayo mabuting loob ang napuntahan niyo. Ako kasi masamang loob e"
"Ilang taon ka ba noong ipinakilala ng tatay mo yung step-mom mo?"
"8 years old palang ako no'n. Namatay si nanay noong ipinanganak ako dahil may mga complications na sa health niya. Sabi ng doctor isa lang sa'min ang mabubuhay kaya mas pinili nilang ako nalang ang buhayin"
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
RandomNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...