Chap. 11

985 21 0
                                    

Natasha's POV.

Nagising ako na katabi si Bebang at tulog na tulog. Hinanap ko si Selene sa kuwarto pero wala siya. Bahagyang kumikirot ang ulo ko dahil sa rami ng nainom ko kagabi. Umupo ako at nagdesisyon na pumunta ng cr para maghilamos at magmumog. Pero agad akong natigilan nang makita na iba na ang suot kong pang-itaas.

"Shit" sabi ko habang yakap ang sarili at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa salamin. Napalunok ako at nag-init ang mukha ko dahil sa naiisip.

Nakita niya?! Yung.. y-yung..

Dali-dali akong lumabas ng kuwarto at nakita siya sa kusina na nagluluto ng almusal. Lumapit ako sa kaniya at napalingon siya sa'kin nang maramdaman 'yon.

"Good morning" nakangiti niyang sabi at bumalik sa ginagawa.

"G-good morning" bati ko pabalik at umupo sa upuan sa dining table.

"Anong niluluto mo?" casual na tanong ko. Nahihiya akong tanongin kung nakita niya yung.. upper body ko at kung sinong nagbihis sa'kin.

"Just a simple breakfast for the three of us. Omelet and fried rice with fresh milk for Bebang and coffee for us" napa 'o' nalang ako at sandaling natahimik.

"How's your sleep? May hang-over ka?" tanong niya habang nakatutok sa pagluluto niya.

"Hmm. Medyo masakit ang ulo ko" sagot ko at luminga sa sala. Saan siya natulog?

"May gamot naman dito, uminom ka after mong kumain"

"Saan ka natulog?" humarap siya sa'kin para ilagay sa mesa ang kaluluto niya lang na fried rice.

"Sa living room" sagot niya na hindi tumitingin sa'kin. Muli siyang tumalikod para naman magluto ng omelet.

"Ha? Bakit doon? Sa lapag ka natulog?"

"Yeah. Naglatag ako ng airbed, comfy naman dahil dito talaga ako natutulog sa sala minsan" napahinga ako nang maluwag nang marinig 'yon.

"Kamusta naman tulog mo?"

"It's fine, sanay naman ako" muli akong napatingin sa damit ko at napakagat ng labi.

"Uhm.. pwede bang magtanong?"

"Sure" sagot niya habang abala sa ginagawa. Tumayo ako para ihanda ang mga plato, kutsara at mga baso.

"Bakit.. i-iba na yung damit ko?" inilapag ko ang mga dala ko sa mesa at inayos na rin.

"You vomited. Hindi mo siguro alam na nasukahan mo ko at nasukahan mo rin ang damit ko. I don't want to let you sleep stinky that's why I changed your clothes" napalunok ako at tumingin sa kaniya.

"Edi.. n-nakita mo?"

"Ang alin?"

"Yung.. u-upper body ko?"

"I don't mind though. I have that too" she said chuckling. Humarap siya para ilagay ang niluto niyang omelet sa mesa. Napaiwas ako ng tingin nang lingunin niya ko.

"Don't worry, hindi naman ako gaya ng mga nasa bar na pinagtra-trabahuhan mo"

"H-hindi naman sa gano'n. Ano kasi.. n-nakakahiya" marahan siyang tumawa at nagtimpla ng kape.

"Don't be shy, I can show you mine too" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Lumingon siya sa'kin at tumawa.

"Just kidding!" matapos niyang magtimpla ng kape ay gatas naman ang tinimpla niya.

"By the way, salamat sa pag-alaga. Gustuhin ko man malaman ang mga ginawa ko kagabi, gusto ko muna kumain" natawa siya at bahagya rin akong natawa.

Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon