Chap. 26

739 20 0
                                    

Natasha's POV.

Nakulong si Tommy at ang mga kasama niya. Kahit na gaano pa siya kayaman, hindi hinayaan ni Selene na makatakas siya sa batas. Hindi ko alam kung paano niya 'yon nagawa, pero ang alam ko lang ay nakakulong na sila Tommy ngayon.

Sila Tita Ana naman ay kasalukuyan pa ring hinahanap ng mga pulis. Si Bebang ay maayos naman na sa DSWD, ang sabi sa'kin ay nag-iimprove naman na siya at nagsimula na rin siyang magkaroon ng iba pang mga kaibigan. Dumadalaw ako ro'n at kinukumusta ang kalagayan niya, mas okay na nga siya 'di tulad no'ng una ko siyang dinala roon.

Nakapagtapos naman na ko ng senior high school at tapos na rin ang 2 years na training ko bago pumasok sa company nila Selene.

Ngayon ay day-off ko at naisipan ko namang pumunta sa bahay nila Meghan para bisitahin ang inaanak ko.

Naabutan ko ang Mommy ni Meg na nagbabasa ng magazine sa couch.

"Hi po, Tita!" bungad ko sa kaniya nang papasukin ako ng kasambahay nila.

"Hey, Tasha. Long time no see!" tuwang-tuwa na sabi niya bago tumayo para salubungin ako ng yakap. Niyakap ko siya pabalik habang malawak na nakangiti.

"How are you?" tanong niya pagkabitaw sa yakap.

"Okay lang naman po ako, Tita. Kayo po ni Meg?"

"We're fine, napadalaw ka?"

"Gusto ko lang po kayong dalawin tsaka si Wynwyn"

"Ohh. Okay, halika. Nandoon siya sa kuwarto kasama ng yaya niya, mamaya pa ang uwi ni Meghan, may pinuntahan kasi sila ni Bea. Hihintayin mo ba?"

"Baka hindi ko po maabutan, Tita. May naiwan din po kasi akong trabaho, kaya kailangan ko rin pong makauwi agad"

"Okay, I understand. Let's go upstairs" ngumiti ako at tumango bago sumunod sa kaniya sa taas. Pagkatapos ay umakyat na kami sa kuwarto kung saan nandoon si Wynwyn. He's 5 years old now, nabuntis ang mama niya noong 2nd year college, which is 20 years old palang kami. Graduating na siya ngayon sa nursing na itinuloy niyang course. Bumalik kasi siya ng 2nd year college, 1 year pagkatapos niyang manganak.

Naabutan ko si Wynwyn na naglalaro kasama ng yaya niya— si ate Chinchyn. Binati niya kaming dalawa ni Tita Janice bago sabihan si Wynwyn.

"Ninang!" malawak akong napangiti matapos akong salubungin ng yakap ni Wynwyn.

"Hi! Kamusta ka?"

"I'm fine, Ninang! Come on! Let's play" napatayo ako nang hatakin niya ko papunta sa kama niyang puro laruan.

"Natasha, mauna na muna kami ni Chinchyn. Sasabihan ko nalang si Meghan na nandito ka kung sakaling dumating na sila ni Bea"

"Sige po, Tita. Salamat po" ngiti nalang ang isinagot ni Tita bago isara ang pintuan. Nagkuwentuhan naman kami ni Wynwyn habang naglalaro kami ng toys niya.

"Wow, may bago kang toys?" komento ko nang makita ang mga nakabalot pang laruan.

"Yes, Ninang! Binilan po ako ni Mame Bea ng toys kahapon e"

"Wow.. ang bait talaga ng Mame Bea mo. Nag-aaral ka na di ba?"

"Opo, pang-umaga. Kasabay ko pong pumapasok si Mommy tapos susunduin po ako ni Lola Janice"

"Hmmm.. kamusta naman ang school mo?"

"Masaya po! Marami nga po akong friends doon e. Lagi po kaming naglalaro sa playground ng school"

"Wala namang nang-aaway sa'yo ro'n?"

"Hmmmm.. sometimes, Ninang. Pero sinusumbong ko po agad kay Mommy"

Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon