Chap. 10

1.2K 24 0
                                    

Selene's POV.

Minsan kapag galing trabaho ay didiretso ako sa bar para maglibang at magtanggal ng stress.

Pagkapasok ko ay umupo ako sa isang table at nag-order ng ilang bote ng beer.

Habang hinihintay kong mai-serve ang order ko ay inilibot ko muna ang paningin ko. At may nakita akong bago.

Sino siya?

Inaninag ko nang maigi para makita ang mukha niya. Napansin ko na bata pa siya kaya naman naisip ko siyang itanong sa ibang nagse-serve dito.

"Uh. Miss" panimula ko sa nagse-serve ng beer ko.

"Yes, Ma'am?"

"Yung nagse-serve na 'yon, bago lang ba siya?"

"Opo. Kasisimula niya lang po ngayong araw"

"Ilang taon na siya?"

"Hindi ko po sure pero sa tingin ko 16 palang siya"

"Ahh. Okay, thank you" tumango lang siya at umalis. Sinimulan ko nang uminom ng beer habang pinagmamasdan lang ang bata na 'yon.

She's just 16 but she's already working here? Sa bar? Tss. Mga kabataan talaga.

Napapailing ako at ibinaling nalang ang tingin ko sa nagsasayaw sa stage. Pagkatapos ay umuwi na ko para tuluyang ipahinga ang katawan ko.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Pinatay ko 'yon at nag-inat muna bago tumayo. Pumunta ako ng cr para magmumog at maghilamos, pagkatapos ay bumaba na ko para mag-almusal.

"Good morning!" bati ko matapos humikab.

"Good morning, Ate!" bati ni Maisie at hinalikan ko siya sa noo.

"Where's Mrs. Alford?"

"I told you to call me, Mom. Wala namang masama" nakangiti niyang sabi sa'kin pagkarating niya sa dining area. I chuckled and kissed her cheek.

"I forgot about it everytime, nasanay po ako sa office e" sagot ko na bahagya niyang ikinatawa.

"Whatever, Selena"

"Mom, it's Selene" napairap siya at umupo sa tabi ni Maisie, naupo naman ako sa tapat nila.

"Selene or Selena it's just the same, darling" natawa nalang ako at napailing. Nagsimula na kaming kumuha ng pagkain para mag-almusal.

Si Mrs. Alford ang nauunang pumunta sa office at susunod lang ako. Minsan lang kami nagsasabay kapag nagkakataon.

Lumipas ang taon at nadagdagan nanaman ang guhit ng edad ko.

Bago ako dumiretso sa bahay galing sa condo ay dumaan muna ako sa isang pharmacy para bumili ng gamot na stock sa bahay. Lagi kaming nags-stock ng gamot para in case na kailanganin, may maiinom kami.

Pinarada ko ang motor ko sa tapat at hinubad muna ang helmet bago tuluyang pumasok sa loob.

Napahinto ako saglit nang mapansin ko kaagad ang pamilyar na tao na naghihintay ng binibili. Tinitigan ko siya at nakumpirma ko na siya nga yung nagse-serve sa bar na pinagtatambayan ko.

Well, mas matangkad ako.

Ang ganda niya lalo sa malapitan. Saktong kapal lang yung kilay niya, medyo matangos ang ilong, perfect lips, at perfect jaw line. Hindi gano'n kahaba ang buhok pero straight. Maganda rin ang hubog ng katawan kahit bata pa.

Pero sa tuwing naaalala ko ang mga nangyayari sa tuwing nagse-serve siya sa bar kapag pumupunta ko, yung paghawak sa kaniya na pilit niyang iniiwasan, parang gusto ko siyang lapitan at tanungin kung anong problema. Kung bakit gano'n ang trabaho niya. Kung bakit nandoon siya at hindi nag-aaral.

Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon