Natasha's POV.
Naligo ako at nagbihis ng maong short na hanggang tuhod at printed blue shirt. Pagkatapos ay kinuha ko na ang wallet at phone ko bago lumabas ng kuwarto. Sabado ngayon kaya naman libre ako sa araw na 'to.
Sinarado ko na ang unit ni Selene bago sumakay sa elevator.
"Good morning, Tasha" nginitian ko si Kuya Gerald at binati siya pabalik. Sumakay na kami ng kotse at sinuot ang seatbelt.
"Saan tayo?"
"Sa flower shop, Kuya. Bibili muna ko ng bulaklak"
"Oh sige" napangiti ako at chineck ang pera ko sa wallet.
Nang makarating kami sa flower shop ay agad naman akong namili ng magandang bulaklak. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa sementeryo kung saan nakalibing si Tatay.
"Dito nalang ako, hihintayin kita" tinanguan ko si Kuya bago lumabas ng kotse. Naglakad na ko papasok ng sementeryo at hinanap ang puntod niya.
"Hi, 'Tay! Sorry ngayon lang ulit ako nakadalaw" ngumiti ako at inilapag sa gilid ng puntod ang bulaklak. Pero natigilan ako nang makitang may bagong lapag ng bulaklak doon. Umiling nalang ako at hindi na inisip kung sinong huling dumalaw dito. Malinis na rin at nakasindi pa ang kandila. Naupo ako sa damuhan at hinaplos ang pangalan niya.
"Ilang taon na rin po pala ang lumipas, 'Tay. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan nakalibing si Nanay" marahan akong tumawa.
"Hindi mo naman kasi sinabi sa'kin e. Kada tatanungin kita sasabihin mo sa malayo siya nakalibing. Hindi rin po tayo nakakadalaw sa kaniya dati" napabuntong hininga ako at binunot ang ilang damo. Nagsisimula nang mamuo ang luha ko kaya naman tumingala ako para pigilan 'to.
"Nami-miss ko na po kayo, 'Tay. Sana nakikita mo ngayon kung ano nang buhay ko.. siguro kung hindi ako pinalayas ni Tita Ana, edi sana nasa bar pa rin po ako ngayon at hindi nag-aaral" napangiti ako at muling hinaplos ang pangalan niya sa lapida.
"Nagpapasalamat nga po ako dahil nakilala ko si Selene. Kung hindi dahil sa kaniya.. hindi mababago ang buhay ko. Hayaan niyo, 'Tay, sa susunod na dadalaw ako rito, kasama ko na siya" bahagya akong nagulat nang biglang mag-vibrate ang phone ko.
' From: +639*********
Hey. This is Skyler, let's discuss about the club. See you at the Lane's Coffee. '
"Lane's Coffee?" napapakurap na sabi ko nang mabasa ang text niya. Sinave ko ang number niya sa contacts ko bago nag-reply sa kaniya.
' To: Skyler
Anong oras? '
*sent
Ilang saglit lang ay nag-reply agad siya.
' From: Skyler
Now. I'm on my way '
Bahagya akong napanganga at itinabi sa bulsa ko ang phone.
"'Tay, kailangan ko na pong umalis. May kailangan kasi akong kausapin e. Bibisita nalang po ako ulit sa inyo, isasama ko si Selene. Miss you, 'Tay" hinaplos ko ang puntod niya bago ako tumayo at maglakad papunta sa kotse.
"Kuya Gerald, punta tayo ng Lane's Coffee Shop. May pagme-meetingan kami ni Skyler e" tumango lang siya at nagsuot na ko ng seatbelt bago nag-drive papunta ro'n.
Pagkababa ko ng kotse ay hindi muna ko pumasok at tinext muna siya.
' To: Skyler
Nandito na ko. Ikaw? '
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
AcakNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...