Natasha's POV.
We adopted our first baby. Wala pa siyang isang taon so hiningi namin ang gabay ng mga may experience na tulad ni Nanay, para maalagaan nang wasto ang bata. His name's Andrei Alford. Sinunod ang surname kay Selene dahil 'yon din ang ginagamit ko.
Hindi na ko pinagtrabaho ni Selene at ako na lang ang nag-aalaga kay Andrei. Siya na rin ang bagong CEO ng company nila dahil nag-retire na si Mrs. Alford.
Today is Christmas. Doon kami magce-celebrate lahat sa bahay ni Mrs. Alford. Doon na kami nakatira ni Selene sa condo, at paminsan ay bumibisita rito para sadyain si Mrs. Alford at ang kapatid niya, siyempre pati na rin si Bebang. Gusto rin naman nilang makita at makasama ang bata. Sila Bea at Meghan ay ikinasal na rin, sumunod sa'min. At tulad niya, gagawin ko rin siyang ninang ni Andrei.
Maaga pa lang ay naghanda na ang mga kasambahay nila para sa ilulutong mga pagkain mamaya. Yung sakto lang naman at mauubos para hindi masayang. Wala naman kasing ibang pumupunta rito dahil nasa private village sila.
Tumulong kami ni Selene sa paghahanda dahil nage-enjoy naman kami rito. Hindi na namin pinatulong pa si Mrs. Alford dahil mas mapapagod siya sa kalalakad, at mas gusto niya rin naman ang pag-alaga sa 11 months old niyang apo dahil aliw na aliw siya rito. Palangiti kasi si Andrei at makulit kaya naaaliw sila sa kaniya.
"Bae, magpahinga ka na muna ro'n. Umiiyak na si Andrei, baka hinahanap ka na" huminto ako sa ginagawa ko at tumayo para maghugas ng kamay.
"Sige, mamaya magpalit naman tayo, ikaw naman kay Andrei, ha?" ngumiti siya at tumango.
"Sure, patapos naman na 'to. Lulutuin nalang nila mamaya" marahan naman akong ngumiti bago tumango. Nagpunas muna ako ng kamay bago maglakad papunta sa living room. Naabutan kong umiiyak si Andrei at hindi alam ni Mrs. Alford kung paano siya patatahanin.
"Ano pong nangyari?" bungad na tanong ko.
"Hindi ko alam e, bigla na lang umiyak. Samantalang kanina tawa lang nang tawa" marahan akong tumawa at binuhat si Andrei.
"Shhhh.. nandito na ko, wag ka na umiyak.." marahan kong hinaplos ang likod niya para patahanin sa pag-iyak. Inihiga niya naman ang ulo sa dibdib ko at dahan-dahang tumahan. Paghikbi niya na lang ang naririnig ko pero maya-maya lang din ay tumigil na. Bahagya kong iniugoy ang katawan ko para patulugin siya, malamang ay pagod na siya kakaiyak.
"Hinahanap ka lang naman pala" natatawang sabi ni Mrs. Alford.
"Ganito po talaga 'to, kapag inaantok na po siya gusto niya po na ako ang magpapatulog sa kaniya"
"Sa'yo ata madikit 'yang bata ah" napangiti ako.
"Ako po kasi ang laging nakakasama. Pero malambing din po siya kay Selene dahil lagi niya rin naman pong nakikita"
"Mabuti naman at napamahal sa inyo ang bata"
"Oo nga po e" nakangiting tugon ko.
"Oh siya, sisilip na muna ko sa kung ano nang nangyayari sa kusina" tumango ako habang nakangiti.
"Sige po" tumayo na siya at naglakad papunta sa kusina. Umupo naman ako at hinayaang matulog muna sa'kin si Andrei.
Kinagabihan ay nag-ayos naman kami ng pang-background para sa picture taking na magaganap mamaya. Siyempre kailangan ng remembrance kaya hindi mawawala ang pag-picture ng buong pamilya. Nagbihis na muna kami sa kuwarto ni Selene para sa salo-salo mamaya. Siyempre binihisan ko rin si Andrei para maganda ang kuha niya mamaya.
Buwan ng January ay papabinyagan na namin si Andrei kasabay ng first birthday niya, para isahang celebration na lang at hindi ma-doble ang regalo ng mga ninang at ninong niya. Agad naming inasikaso ni Selene ang simbahan na pagbibinyagan, venue at ang listahan ng mga ninong at ninang niya. Karamihan lang naman na nandito ay mga malalapit na kaibigan at kamag-anak.
Malapit na ring makalaya si Tita Ana pero matagal pang makakalaya si Keno mula sa bilangguan.
Pagkatapos mabinyagan ni Andrei ay dumiretso na kami sa venue para roon i-celebrate ang pagiging Christian niya at ang first birthday niya. Hindi alam ng orphanage kung kailan ipinanganak si Andrei kaya naman nagpagawa ulit kami ng birth certificate at inilagay doon ang date kung kailan namin siya inampon, para 'yon ang gawing araw ng birthday niya.
Iniupo namin siya sa pinakaharap kung saan nandoon ang mga handa niya. Mataas ang upuan kaya naman abot niya. Hawak ko rin naman siya kaya hindi siya mahuhulog at mapipigilan ko man kung dutdutin niya bigla ang cake sa harap niya.
"Happy birthday to you~ Happy birthday to you~ Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you~" itinayo ko siya para mas maihipan niya yung apoy sa kandila.
"Blow mo na yung candle mo, baby" nakangiting sabi ni Selene. Pilit hinihipan ni Andrei pero hindi niya pa kaya, kaya naman natatawa ko siyang tinulungan.
"Yeheyyy!" nagpalakpakan ang mga bisita niya nang mapatay na ang apoy sa kandila at binuhat ko na siya para sa another picture. Kaming tatlo nila Selene muna bago ang buong extended family. Pagkatapos ay kumain na at nagpalaro rin para mas masaya. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa wakas, mas nakumpleto na ko.
Hayy! Talaga nga namang masayang mabuhay. Madilim man ang naging nakaraan ko, may tao namang dumating para iligtas ako mula roon. Malaki ang pagpapasalamat ko dahil nakilala ko ang mga taong tumanggap sa'kin nang buo at tinulungan akong makaahon.
Wala na kong ibang mahihiling pa kundi ang kaligtasan nila at ang makasama ko pa sila nang mas matagal. Madalas ko na ring nadadalaw si Tatay dahil sa libreng oras ko kasama si Andrei. Minsan naman ay pumapasyal kami kasama si Selene sa ibang bansa, lalo na sa France kung saan nakatira sila Nanay. Nakatutuwa lang dahil kung gaano ako tinanggap nang buo ni Selene, ay gano'n din ako tinanggap nang buo ng pamilya niyang kumupkop sa kanila ng kapatid niya.
Makakapagsimula na rin ulit si Bebang at Tita Ana, pati na ang pagiging magkaibigan nila ni Nanay ay manunumbalik at magiging maayos na ulit. Gaano man kadilim ang nakaraan ng isang tao, basta't may taong tinanggap at tanggap ka nang buong-buo.. 'wag mo nang pakawalan dahil baka siya na ang nakatadhana mong pakasalan, at makakasama sa panghabambuhay.
Bawat problema ay may solusyon, at ang bawat karanasan ay may kalakip na aral. Hindi ka matututo kung hindi ka magkakamali, at matuto tayong magpasalamat sa kahit maliit na bagay na iyong natanggap. Everyday is a challenge, kailangan lang natin manatiling matatag at magtiwala para 'yon ay malampasan. 'Wag din kalilimutang magdasal, dahil sa pamamagitan no'n, ikaw ay maaaring magpasalamat sa Kaniya.
Life is a blessing. Don't lose hope. Hayaan mong tulungan ka ng iba, at sila naman ang tulungan mo pagdating ng panahon para makabawi ka. May kadiliman man ang iyong daan na tinatahak, sa dulo no'n ay may liwanag na makakamtan.
The woman that I love today, tomorrow, and till my last breath— Selene Alford, has saved me from darkness.
The End.
(A/N; Hiiii! Finally, tapos na ang book 3 ng GLS🥰 don't worry dahil mayroon pa tayong book 4 and 5. And sana, ma-enjoy niyong hintayin at basahin hanggang sa matapos ang Series. Thank you so much for reading mula umpisa hanggang dulo, I really appreciate it. Lovelots! And see you on book 4!❣️)
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
RandomNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...