Natasha's POV.
Dahil sa pangyayari na 'yon, parang ayoko nang bumalik sa lugar na 'yon. Natatakot na ko na baka maulit ulit.
Maaga akong gumising at bumaba na ko. Naabutan ko si Tita sa kusina, kumuha kasi ako ng tubig at uminom.
"Tumawag sa'kin si Jingjing. Bakit di ka na raw bumalik? Nagreklamo yung customer." hindi ako sumagot at dire-diretso lang lumabas ng kusina.
"Aba't— bastos ka ah! Kinakausap kita diba?!" napairap nalang ako at lumabas na ng bahay.
"Hoy! Saan ka pupunta?! Day-off mo diba?!"
"Kukuhanin ko ho yung mga gamit kong naiwan do'n"
"Hinatid na kanina ni Gerald kaya di mo na kailangan umalis"
"Aalis ho ako kung kailan ko gusto" sabi ko at tuluyan nang naglakad palayo. Magsasalita pa sana siya ulit pero hindi na niya ko nahabol pa.
Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa makarating ako sa isang park. Umupo ako sa isang bench at kinuha ang phone mula sa bulsa ko.
Pipindutin ko na sana ang pangalan ni Meghan sa contacts ko pero ayaw ko siyang istorbohin nang ganito kaaga.
Napabuntong hininga ako at pinatay ko ulit ang phone ko at muling ibinulsa. Pinanood ko ang mga tao na masayang nandoon kasama ang mga mahal nila.
Muli akong napabuntong-hininga at napasandal nalang sa bench.
Tahimik lang akong nanonood nang may biglang tumabi sa'kin.
"What a coincidence" nilingon ko siya pagkasabi niya no'n. At taka ko naman siyang tinignan dahil wala naman siyang kausap.
Nagulat naman ako nang lingunin niya ko habang nakangiti.
"How are you?" tanong niya.
"Huh?" she just chuckled.
"I was talking to you, lady. How are you?"
"Uhm.. fine?"
"You seems not. I can sense it though" napakunot naman ang noo ko at mas tinitigan siya.
"Oh. By the way, I'm Selene" sabi niya at naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman 'yon at nagpakilala rin.
"Natasha" sabi ko.
"Hmm. But they are calling you, Tasha" mas nagtaka ako sa sinabi niya.
"Pa'no mo nalaman?"
"I heard it everytime na pumupunta ako sa bar"
"Customer ka namin?"
"Yeah. Pero hindi ako madalas doon. Pampatanggal stress lang kaya pumupunta ako ro'n. I even saw you buying condoms sa pharmacy yesterday"
"Eh?! Ikaw yung babae na bumili rin ng gamot kahapon?" tumango siya at bahagyang ngumiti.
"Yeah. Pumunta rin ako kagabi sa bar pero mukhang hindi kita naabutan. Hindi kita nakita e"
"Ahh.."
"May nagsisisigaw pa nga na lasing doon. Hinampas daw siya sa ulo ng bote no'ng Ash" umiwas na ko ng tingin dahil alam kong ako 'yon.
"I suspected na ikaw yun" muli akong napalingon sa kaniya.
"Ikaw lang kasi ang wala ro'n kagabi" dagdag niya.
"K-kabisado mo mga trabahador doon?" tumango siya.
"Ahh.. a-ang galing mo naman, hehe"
"That's why I'm asking you if you're fine or not. And I can sense that you're not. Can you tell me what happened?" napaiwas ako nang tingin at umayos din nang upo.
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
De TodoNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...