Natasha's POV.
Pag-uwi ko sa condo ay agad kong tinignan ang mga binigay nilang regalo sa'kin. Damit at accessories ang binigay nila, samantalang yung kay Skyler ay headband.
(A/N; PHOTO ABOVE)
"Headband?" kumukurap-kurap na sabi ko. May nakita rin akong note sa loob ng paper bag kaya kinuha ko 'yon para basahin.
' Wear it at school if your hair is messy'
"Tss. Ang galing niyang mamili ah" natatawang sabi ko. Sinukat ko lahat ng natanggap ko at pagkatapos ay itinabi ko na.
Nagbihis na ko pagkatapos mag-shower at nahiga na. Tinext ko muna si Selene ng 'good night' at nagdasal bago matulog.
Selene's POV.
Maaga akong nag-prepare para sa gagawin naming picnic ni Natasha. Ganito ko lang ka-simple ice-celebrate ang birthday ko dahil ayoko ng bongga. At ito rin ang unang beses na ice-celebrate ko ang birthday ko kasama siya.
"Mukhang handang-handa ka ah?" komento ni Manang Beleng. Kasama ko siyang naghanda ng mga kakainin namin ni Natasha mamaya.
"Opo. E gusto ko pong masulit e, gusto ko po na uuwi siya sa condo na busog" bahagya siyang natawa at tinapik ako sa balikat.
"Oh sige na, sunduin mo na siya sa school para maaga kayong makarating. Mag-iingat kayo" nginitian ko muna siya bago nagpasalamat. Naglakad ako papunta sa garahe at nilagay sa loob ng kotse ang mga pagkain. Pagkatapos ay pumasok na ko para mag-drive papunta sa school nila Tasha.
Pagkahinto ng kotse sa tapat ng school ay nakita ko na kaagad siyang palabas. Bumusina ako at ibinaba ang bintana ng kotse.
"Hi!" bungad ko. Malawak siyang ngumiti sa'kin bago pumasok ng kotse at umupo sa tabi ko.
"Saan tayo?" bungad na tanong niya matapos akong halikan sa labi. Sinenyas ko ang likuran ng kotse kaya napatingin siya ro'n.
"Kakainin natin lahat ng laman?" tumango ako habang nakangiti.
"May pupuntahan muna tayo bago natin puntahan yung pagpi-picnic-an natin" tumango nalang siya at nagsuot na ng seatbelt. Nag-drive na ko papunta sa dagat kung saan naging memorable sa'kin; dahil dito niya inamin na gusto niya rin ako.
Pagkaparada ko sa gilid ay lumabas na kami ng kotse at lumapit sa buhanginan. Aabangan ulit namin ang sunset.
"Wala talagang kupas ang ganda" nakangiti niyang sabi. Nakahawak ako sa kamay niya at napangiti rin ako; inangat ko ang kamay niya para halikan ang likod no'n.
"Parang ikaw" bahagya siyang tumawa at saka umiling. Ngumiti nalang ako at muling pinagmasdan ang paglubog ng araw.
Nag-drive na ulit ako pagkapasok namin sa kotse.
"Hmm.. may gusto pa sana akong puntahan muna bago tayo tumuloy"
"Saan? Pupuntahan natin"
"Sa sementeryo sana, gusto kitang ipakilala kay Tatay e"
"E yung nanay mo?"
"Hindi ko alam kung saan siya nakalibing"
"Hmm.." hindi na ko nagtanong pa dahil ayokong ibahin ang mood niya. Nagpatuloy ako sa pagdri-drive hanggang sa makarating ng sementeryo.
Bumaba na kaming dalawa at hinawakan niya ang kamay ko, bago nagpatiunang maglakad.
"Nandito na tayo" nakangiti niyang sabi" umupo siya para tanggalin ang ilang damo na nakaharang sa puntod.
![](https://img.wattpad.com/cover/246563134-288-k805672.jpg)
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
De TodoNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...