Chap. 22

862 21 0
                                    

Natasha's POV.

Lumipas ang mga araw, si Selene ang umaasikaso sa isasampang kaso kay Keno at kay Tita Ana. Gusto ko siyang tulungan pero sabi niya pagbutihin ko nalang daw ang pag-aaral ko. At dahil 'yon ang gusto niya, pagbubutihin ko.

Tapos na rin ang audition at meron na lang ngayon ay ang practice para sa foundation day kasabay ng pagtatayo ng mga booth. Simula umaga hanggang hapon ay sobrang busy ng lahat ng estudyante rito.

"Sa feb, magpre-prepare naman tayo para sa prom" sabi ni Skyler. Nandito kami ngayon sa gym kasama si Mrs. Collinse. Pinapanood namin mag-practice ang mga kasali sa performance. Tatlong grupo ang nabuo, pero isa lang sa kanila ang mananalo para sa ipang-lalaban sa interhigh.

"Prom?"

"Hmm. Ginaganap ang prom dito tuwing gabi ng Valentine's Day"

"Wow.. edi ang saya no'n?"

"I think so. Last year kasi educational tour so expected ng marami na this year, prom naman. Hindi naman pwedeng taon-taon ang prom dahil mananawa ang students. Compulsory pa naman 'yon" napatango nalang ako at hindi na sumagot. Muli kong binaling ang tingin ko sa mga nagpra-practice dahil ayokong mapagalitan ni Mrs. Collinse.

After ng school ay binibisita ko muna si Bebang bago umuwi ng bahay.

Lumipas pa ang ilang araw at nagsimula na nga ang unang araw ng foundation day. May schedule ang bawat araw kaya naman halos wala pang pahinga ang students at teachers.

Nagkalat ang mga students sa bawat booth kasama ang kanilang mga kaibigan, kaklase, tropa, at mga kasintahan. Samantalang ako, nandito sa isang bench ng school; pinagmamasdan ang mga masasayang mukha ng mga estudyante. Ayokong makihalubilo dahil parang hindi ako bagay sa kanila.

"Hoy" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Skyler na papalapit. Tumabi siya sa'kin at binigyan ako ng tickets.

"Para saan 'to?" nagtatakang tanong ko.

"Para mag-enjoy ka naman. Kanina ka pa nakatunganga riyan" tipid akong ngumiti at binalik sa kaniya ang tickets.

"Hindi na. Okay lang ako rito, tapos ka na magpa-picture sa fans mo?"

"Tss. Nakakapagod ngumiti nang peke."

"Bakit naman? Dapat nga sanay ka na"

"Sanay naman na ko, ayoko lang talaga" napailing nalang ako at muling binaling ang tingin sa mga estudyante.

"Tsk. Tsk. Bakit kasi ang guwapo mo e" hindi siya umimik kaya naman nilingon ko siya; nakatitig lang siya sa'kin kaya napakurap ako.

"Bakit?" umiling lang siya bago tumayo.

"Come on. Sasamahan kitang mag-enjoy" sabi niya bago ako hatakin sa kamay patayo.

"Teka! Hoy! Saan tayo pupunta?" tanong ko habang hatak-hatak niya sa kung saan.

"Basta. You'll see" nanahimik nalang ako at hinayaan siyang dalhin ako.

Maya-maya ay huminto kami sa tapat ng isang horror booth kung saan doon ibibigay ang isang ticket bago makapasok sa horror tunnel.

"Let's go" hinatak na niya ko papunta sa entrance. Doon palang ay rinig ko na ang naghihiyawan at ang nakakatakot na sound effects sa loob.

"Skyler.. 'di ba sabi mo.. a-ayaw mo ng kaibigan? E bakit.. bakit mo ko sinasamahan ngayon?"

"Forget it. I want to be your friend now" nagsimula na kaming maglakad sa loob ng ginawa nilang tunnel. Mahigpit ang kapit ko sa braso ni Skyler dahil ayokong mawala rito. At dahil matangkad siya, parang nakakapit ako ngayon sa mataas na kawayan -,-.

Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon