Natasha's POV.
Natapos ang araw at ngayon ay panibagong araw nanaman ng pagpasok ko sa school, hangga't maaari ay hindi ako nagpapa-late dahil may minus points sa bawat quiz.
Bumaba na ko sa kotse at pumasok sa loob ng school. Habang naglalakad ako sa hallway ng building namin ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa bawat estudyanteng nagbubulungan.
"Siya yung new student diba?"
"Oo, balita ko nga nagtra-trabaho raw 'yan sa bar dati"
"Oh? Really?"
"Hmm."
"Eww. Bakit ba siya nakapasok dito?"
"I don't know. Maybe meron siyang sugar daddy"
Ilan lang 'yan sa mga narinig ko mula sa kanila. Napahawak ako nang mahigpit sa strap ng bag ko habang naglalakad nang nakayuko.
"Ahh!" napaupo ako dahil sa pagkawala ng balanse nang malakas akong binangga ng isang babae.
Muli akong tumayo at pinagpag ang palda ko bago tumingin sa kanila. Mas matangkad sa'kin ang babae at may kasama siyang dalawa pang babae. Kaklase ko sila.
"Oops. Sorry, classmate. Ang laki mo kasing kalat sa daan" pagkasabi nila no'n ay nilagpasan nila ko at saka nagtawanan. Narinig ko rin ang mga tawanan ng ibang estudyante.
Huminga ako nang malalim at saka muling naglakad.
Mali bang nag-aral ulit ako?
Gusto ko lang naman mabago ang buhay ko.
Ah basta. Hindi ako magpapatalo. Nandito ako para matuto.
Binilisan ko ang lakad ko para hindi na marinig ang mga bulungan nila. Pero papasok na ko ng classroom nang mabangga nanaman ako. This time, sa dibdib naman ng seatmate ko!
Ang malas ko naman ngayong araw!
"Uh.. s-sorry" sabi ko kay Cantrell at tumabi sa gilid.
"Tss." sabi niya lang at nilagpasan ako. Saglit ko siyang tinignan bago tuluyang pumasok sa room. Umupo ako sa upuan ko at nilapag ang bag ko.
Hinaplos ko ang ulo ko dahil sa tingin ko ay naalog yung utak ko.
Ang tigas naman kasi ng dibdib niya!
Muli akong lumingon sa pintuan kung saan kami nagkabungguan at pinagmasdan ang mga estudyanteng dumaraan.
Ano kayang pangalan no'n? Surname niya lang ang alam ko. Hindi naman kasi binabanggit ang first name kapag nag-aattendance.
Bumuntong-hininga ako at dumukdok nalang sa armrest.
Bago mag-time ay pumasok na ang iba kong kaklase kasama na si Cantrell. Tinitigan ko siya at pinagmasdan ang emosyon niya.
Cold. Serious. At walang kahit na anong emosyon kang makikita. Guwapo naman siya, sharp jawline, perfect kissable lips, medyo singkit ang mata at matangos ang ilong.
"Are you done?" natauhan ako at agad na umiwas ng tingin sa kaniya. Shit. Nakakahiya yun ah.
Umayos ako ng upo at tumingin na sa harap nang dumating na ang subject teacher.
"I'll group you into 4 for this performance task, okay? You must work as a group not individually" sumang-ayon kami sa kaniya at nagsimula na siyang magbigay ng groupings para sa gagawin naming performance sa subject niya.
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
De TodoNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...