Natasha's POV.
Nagising ako na masakit ang bandang ibaba ko. Nilingon ko ang kabilang side ng kama pero ako nalang mag-isa.
Dahan-dahan akong tumayo at nakita ang isang sobre sa bedside table na katabi ng lampshade. Kinuha ko 'yon at tinignan ang laman.
Nagulat ako nang malaking halaga ang nakita ko.
"Bakit may pera rito?" tanong ko sa sarili ko at inalala ang nangyari.
Wala akong masiyadong maalala, ang tanging naaalala ko lang ay nahilo ako nang ininom ko ang alak at pagkatapos ay tinulungan akong makarating no'ng lalaki rito sa kuwarto.
Muli kong inilapag ang sobre na may lamang pera sa bedside table at tinignan ang katawan ko.
Nanlaki ang dalawang mata ko nang makitang wala na kong suot.
"Shit. Ba't nakahubad ako?" inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kuwarto at walang nakitang ibang tao.
Nagpasiya akong tumayo pero muli akong napaupo nang maramdaman ang hapdi sa bandang ibaba ko. Nakita ko rin ang blood stain sa hinihigaan ko.
Teka..
Nakita ko ang damit na huling suot ko kagabi na nasa sahig na. Hindi ko man maalala ang nangyari, pero unti-unti ko nang naiintindihan.
"Hindi.. h-hindi.." unti-unti nang uminit ang mukha ko dahil sa namumuong mga luha mula sa mga mata ko.
Nanginig ang mga kamay ko at parang gusto ko nalang sumabog.
Tumayo ako at ininda ang sakit para pumunta sa loob ng cr. Binuksan ko ang shower at sinimulang linisin ang sarili ko.
Sumabay na sa agos ng tubig ang pag-agos ng luha sa mukha ko. Hindi ko na napigilan ang umiyak.
Hindi ko matanggap..
Ayokong tanggapin..
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakababad doon habang umiiyak. Lumabas nalang ako nang ginawin na ko sa loob. Nagsuot ako ng bathrobe bago pumunta sa kuwarto ko habang dala ang sobreng may laman na pera.
Pagdating ko sa kuwarto ko ay napaupo ako sa kama at nagsimula nanamang umiyak.
Hindi ko alam kung anong katangahan ang nagawa ko, basta ang alam ko lang.. habambuhay ko siyang dadalhin.
Nanginginig kong hinanap ang phone ko at nag-scroll sa contacts. Una kong nakita ang number ni Meghan at hindi na ko nagdalawang isip na i-dial.
"Hello? Tasha, may problema ba?"
"M-Meg? Nasaan ka ngayon?"
"I’m with my Mom, sinamahan ko siya sa Doctor niya rito sa Manila para magpa-check-up. Why? Is there any problem? Pupuntahan kita"
"Ahh. H-hindi na, Meg. Okay lang ako, tinanong lang kita kung nasaan ka ngayon. Pauwi na rin ako, uhm.. ingat nalang kayo ni Tita Janice. Bye!"
"Tasha, wait—" pinatay ko na ang tawag at saka nagpasya nang magbihis para makauwi na.
Habang nasa loob ako ng tricycle ay hindi ko maiwasan ang matulala dahil sa nangyari. Hindi ko matanggap na nangyari na ang pinakakinatatakutan ko. Pinapainom naman kami ng pills at hindi ko ‘yon nakakalimutang inumin, pero hindi ko kilala yung lalaking gumalaw sa’kin. Natatandaan ko ang pangalan niya pero yun lang ang tanging alam ko, wala nang iba. Napabuntong hininga ako.
Wala na kong magagawa, nangyari na ang nangyari. Kailangan ko nalang mas ingatan ang sarili ko mula sa mga taong hindi ko kilala.
"Ma’am? Ma’am" napalingon ako sa driver ng tricycle nang marinig ko ang boses niya.
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
RandomNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...