Natasha's POV.
Hindi ko sinagot ang tawag at hinayaan lang mag-ring hanggang sa matapos. Pinindot ko na rin ang silent para hindi ko na marinig ang pag-vibrate; pagkatapos ay ipinatong ko sa lamesa.
"I'm home!" napangiti ako nang pumasok si Selene na may dalang paper bags.
"Sakto patapos na ko rito. Bakit parang ang dami mo atang binili?" tanong ko habang hinahalo ang niluluto ko.
"Siyempre ibinili na rin kita" sagot niya. Inilapag niya muna sa coffee table ang mga paper bag bago lumapit sa'kin at niyakap ako mula sa likod.
"Ang bango ah! Afritada 'yan 'no?" tumango ako habang nakangiti.
"Ito yung nakita kong stock e kaya ito nalang yung niluto ko" sumandok ako nang kaunti at bahagyang humarap sa kaniya.
"Tikman mo" sabi ko bago itinapat ang sandok sa bibig niya. Agad niya naman itong tinikman bago tumingin sa'kin.
"Ano?" excited at kabado na tanong ko. Unang beses ko 'tong nagluto ng hapunan kasama siya. Madalas kasing niluluto ko kapag wala siya rito ay yung madadali lang, katulad ng tortang sardinas.
"Hindi masarap" seryosong sagot niya. Napanguso ako dahil sa pagkadismaya dahil hindi niya nagustuhan ang lasa. Ako naman ang tumikim pero para sa'kin masarap naman.
"Masarap naman ah!" pagmamaktol ko. Natawa siya at hinalikan ako sa leeg.
"Joke lang yun. Inaasar lang kita"
"Hmmp!"
"Aww~ tampo ka?" ipinatong niya ang baba sa balikat ko habang naghahalo ako ng niluluto.
"Hindi"
"Weh? Tampo ka, e"
"Hindi ngaaa. Kapag pinilit mo pa ko magkakatotoo 'yang sinasabi mo"
"Ito naman hindi mabiro e" muli niya kong hinalikan sa leeg na siyang dahilan ng pagtaas ng balahibo ko.
Nakikiliti ako e.
Bumitaw na siya sa yakap kasabay ng pagpatay ko sa kalan.
"Kanina pa umiilaw 'tong phone mo" napatingin naman ako sa kaniya nang kunin niya ang phone ko mula sa lamesa.
"Bakit di mo sinasagot tawag ng Tita mo?" takang tanong niya. Napabuntong hininga ako at naupo sa upuan.
"Alam ko namang itatanong niya sa'kin si Bebang. Ayoko namang sabihin kung nasaan siya pero alam ko namang nag-aalala ang nanay niya sa kaniya" ibinaba niya ang phone bago hawakan ang kamay ko.
"Alam kong nag-aalala ka sa kaligtasan ni Bebang. Pero nanay siya.. sigurado akong lumapit na rin sila sa mga pulis para tumulong sa paghahanap" muli akong napabuntong hininga at tumingin sa phone kong patuloy sa pag-ilaw.
"Anong gagawin ko?" marahan niyang hinaplos ang kamay ko bago sumagot.
"Ako na ang sasagot" napaangat ang tingin ko sa kaniya at mataman na tinitigan.
"Sure ka?" bahagya siyang ngumiti bago muling kunin ang phone ko.
"I'm sure that she's worried about her daughter. Hindi siya makakatulog" napalunok ako nang pindutin na niya ang green button.
"Hello?" pinindot niya ang loud speaker para marinig ko rin ang kabilang linya.
"Tasha? Ikaw ba 'yan? Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag? Nandiyan ba si Bebang sa'yo?"
"Ahh. It's me po, si Selene"
"Ayy sorry. Pwede ko bang matanong kung nasaan si Natasha?"
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
RandomNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...