Natasha's POV.
Lumipas ang ilang linggo at nagtuloy-tuloy lang ang trabaho ko. At tulad nga ng sinabi ko, nasasanay lang ako pero hindi ko pa rin 'to gusto.
Nag-serve ako ng mga order nila at sa kalagitnaan no'n ay may biglang humawak sa braso ko.
"Selene?" gulat na sabi ko nang lingunin ko siya. Malawak naman siyang ngumiti sa'kin at bahagyang natawa.
"Long time no see" sabi niya.
"Oo nga e. Buti nakapunta ka ngayon?" gulat na sabi ko.
"Naging busy kasi ako these past few days kaya ayun, tutok ako sa trabaho"
"Ahhh. Naka-order ka na ba?"
"Ikaw lang sana o-orderin ko" natawa ako sa sinabi niya at napailing.
"Ayaw mo um-order ng alak?" umiling siya.
"Ikaw lang talaga"
"Hmmm.. okay. Saglit lang" tumango siya at naglakad na ko papunta sa counter table para ilapag ang tray at ilang mga bote na wala nang laman. Pagkatapos ay bumalik ako sa table ni Selene at umupo sa tabi niya.
"Anong kuwento?" panimula ko. Nagkibit-balikat lang siya at tumingin sa'kin.
"I just wanna be with you tonight" nakangiting sabi niya.
"Ito na nga ako oh"
"No. I mean, let's sleep together again"
"H-huh?" bahagya siyang tumawa at tumayo.
"Wait here" hindi ako nagsalita at tinignan lang siyang maglakad palayo. Kinausap niya si Ate Jingjing at nag-abot ng pera bago muling bumalik sa'kin.
"Let's go?" tumayo ako at taka siyang tinignan.
"Saan?"
"Sa room" hinawakan niya ang palapulsuhan ko at saka hinatak papunta roon sa hallway ng mga kuwarto.
"May bahay at condo ka naman diba? Bakit gusto mong dito matulog?"
"Para makasama ka" hindi ako nakapagsalita. Maya-maya ay pumasok na kami sa loob ng kuwarto at ni-lock niya ang pinto.
"Ano namang gagawin natin ngayon dito?"
"Ano bang gusto mo?" tanong niya at naupo sa kama; sumunod naman ako at umupo medyo malayo sa kaniya.
"Hindi ko alam.. may pagkukuwentuhan ba tayo?"
"Hmmmm.." tumingala siya na tila ba nag-iisip ng isasagot.
"Let's talk about you"
"Sa'kin?"
"Hmm."
"Na-kuwento ko na sa'yo ah? Ano pa bang gusto mong marinig tungkol sa'kin?"
"I want to know more about you"
"Tulad ng?"
"Anything about you. Just.. you"
"Uhm.. gusto mong mag-mala MMK ako rito?" natatawang sabi ko at bahagya naman siyang natawa.
"It's up to you" nanahimik ako dahil hindi ko alam ang iku-kuwento ko sa kaniya.
"Hmmm.. Pangarap ko talagang maging flight attendant dahil gusto kong libutin yung mundo. E kaso ang nililibot ko ngayon ay yung bar. Tapos junior high lang ang natapos ko" panimula ko.
"Hmmm.. how about your friend? Nagkikita pa kayo?"
"Kami? Ayos pa naman kami pero minsan nalang din magkita. Busy siya sa school tapos bar pa 'tong pinapasukan ko. Baka kung ano pang mangyari sa kaniya kung dadalasan niya ang pagpunta rito"
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
RandomNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...