Chap. 2

1.3K 25 4
                                    

Natasha's POV.

Hindi ko alam kung saan kami dumaan dahil madilim at napapagitnaan ako ng dalawang babae.

Hindi pa rin nawawala ang kaba ko.

Pagkahinto namin ay bumaba na kami sa sasakyan pero nakahawak pa rin ang dalawang babae sa mga braso ko. Pumasok kami sa isang kuwarto, dim light ang nilalabas na liwanag ng ilaw.

"Ano pong ginagawa natin dito?" tanong ko.

"Basta, magvi-video ka lang naman dito" sabi ng isang may hawak sa kamay ko.

"Video po?"

"Hmm. Maghuhubad ka lang sa harap ng camera tapos, tapos na" sabi naman ng isa. Agad akong nag-panic at agad na nagpupumiglas.

"P-po?! Maghuhubad? A-ayoko po! Ayoko po! Gusto ko na po umuwi!" nagsisimula nang mamuo ang mga luha ko pero mahigpit ang pagkakahawak nila sa'kin kaya di ako makawala.

"Anong uuwi? Nabayaran na namin yung Nanay mo!"

"Hindi ko siya Nanay!"

"Wala kaming pake. Basta nabayaran na namin siya at yung gusto namin ang sundin mo!" pinaupo nila ako sa isang kama at tinalian ang paa. Nagsisimula na kong humikbi dahil sa takot at galit.

"Wag ka ngang umiyak. Madi-disappoint yung customer e. Ayusin mo sarili mo. Isang linggo ka rito, hindi pwede yung ganiyan" sandali akong natigilan sa narinig ko.

A-ano? Isang linggo? Rito?

Pinunasan nila ang mukha ko at inayusan nang kaunti bago ako hinarap sa isang camera.

"Ganito, ang gagawin mo lang ay maghuhubad sa harap ng camera na yan. Gano'n lang kasimple. Wag kang iiyak sinasabi ko sa'yo, dito lang kami sa loob babantayan ka." napalunok ako at pinipigilan ang maiyak.

'Tay.. ano ba 'to? Bakit ko 'to nararanasan? Bakit mo kasi ako iniwan?

Sinenyasan nila akong magsimula na kaya ginawa ko na ang sinabi nila.

Unti-unti akong naghubad sa harap ng camera habang pinipigilang lumabas ang luha.

Isang linggo ang lumipas at gano'n lang ang ginagawa ko. Hindi ako sang-ayon sa ginagawa ko na 'yon dahil alam kong may nanonood mula sa camera na 'yon.

Pero wala akong magawa..

Binenta ako ni Tita Ana mula sa kanila para lang makakuha siya ng pera.

Inihatid ulit nila ako sa bahay at pagbalik ko ro'n ay pakiramdam ko wala akong suot na damit. Nakita na ng iba yung katawan ko.. binenta ng demonyo kong step-mother ang katawan ko para lang sa pera.

"Ano? Kamusta, Tasha? Madali lang diba?" hindi ko siya sinagot at masama lang ang tingin sa kaniya. Pagkatapos ay dumiretso ako paakyat sa taas.

"Aba't— bastos ka ah! Kinakausap kita! Tasha!" hindi ko siya pinakinggan at dire-diretso lang pumasok sa kuwarto ko; ni-lock ko ang pinto at nahiga sa kama.

Nginudngod ko ang mukha ko sa unan at doon ko ibinuhos ang mga luha. Hanggang sa nakatulog ako dahil sa pagod kaiiyak.

Nagising ako at chineck ang oras. Alas-diyes na ng gabi. Hindi pa ko kumakain simula kaninang umaga.

Hindi ko nararamdaman ang gutom.

Wala akong nararamdaman..

Wala akong nararamdaman kundi galit at kahihiyan..

Anong karapatan niyang ibenta ako na wala akong kaalam-alam? Hindi niya ko kaano-ano kaya wala siyang karapatan sa'kin. Kung gano'ng trabaho pala ang gusto niya edi sana, sarili niya nalang ang ibinenta niya.

Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon