Chap. 17

847 24 1
                                    

Natasha's POV.

Naghanda na ko para sa school. As usual ay maaga ulit akong gumising dahil ayokong ma-late. May ilang minuto kasing traffic bago makapunta ng school.

Bumaba ako sa parking lot kung saan naghihintay si Kuya Gerald at sumakay na sa loob ng kotse. Pagkarating namin sa harap ng school ay bumaba na ko at pumasok na sa loob.

Sinuot ko ang earplugs at nag-play ng music bago maglakad sa hallway. Sa pagkakataong ito ay hindi ko naririnig ang mga sinasabi at binubulong nila tungkol sa'kin.

Pumasok ako ng classroom at nilapag ang bag ko sa upuan bago naupo. Tinanggal ko na ang earplugs at itinabi sa bag ko.

"Bakit siya pa ang ginawang Vice President ng club? Hindi siya bagay ro'n" dinig kong sabi ng isang kaklase ko. Hindi ko sila nililingon, nananatili lang akong nakikinig sa kanila.

"Yeah right, diba ikaw ang dapat do'n, Scynie? Bakit biglang nag-iba?" sabi pa ng isa.

"I don't know, girls. Tignan lang natin kung hanggang saan ang kaya niya" napagtanto ko na sila yung bumangga sa'kin sa hallway no'n.

"Feeling niya siguro makakapitan niya si Gavin nang gano'n kadali. Hmmp. Tignan lang natin" bumuntong hininga ako at kinuha ang phone sa bag ko.

Keep going, Tasha. Wag kang magpapatalo sa sinasabi nila.

Natigilan ako nang bigla akong tawagin ni Skyler mula sa pinto.

"Let's go" kinuha ko ang bag ko at lumapit sa kaniya.

"Saan?"

"Admin Office. Pinatatawag ka ni Mrs. Collinse"

"Ahh" naglakad na siya kaya naman sumunod na ko sa kaniya. Kaunti nalang ang estudyante sa hallway at mabilis ang lakad namin.

"Naka-excuse ba tayo sa first subject?"

"Hmm. Si Mrs. Collinse na ang bahala" tumango nalang ako at tahimik na sumunod sa kaniya.

Nang makapasok kami sa Admin Office ay ngiti ang ibinungad ni Mrs. Collinse sa'min. Umupo kami sa upuan at binati siya ng good morning.

"I've heard about the schedule of audition na gusto niyo. Naipaliwanag naman na sa'kin ni Mr. Cantrell ang lahat. Pinatawag kita rito para i-confirm ko na dalawa kayong nakakaalam nito. Anong araw ang audition?"

"24 po/24" sabay naming sabi at ngumiti naman si Mrs. Collinse sa'min.

"Okay, then. Gumawa kayo ng printed letter then pipirmahan namin at ipapasa sa Principal, got it?"

"Yes ma'am" sagot ko.

"I need it today. Anytime pwede niyo siyang ipasa sa'kin"

"Yes Mrs. Collinse" sagot naman ni Skyler.

"You can go to your class now" bahagya akong yumukod pagkatayo at lumabas na kami ng Office.

Nagsimula ang morning class at naging maayos naman ang lahat. Lunch time ay nagpresinta si Skyler na siya nalang daw ang gagawa ng letter dahil madali lang daw sa kaniya 'yon.

Ilang taon na kaya siyang nag-president sa mga club? Mukhang sanay na siya e.

Pumila na ko sa cafeteria para makakuha na ng pagkain. Akala ko tahimik akong kakain, pero hindi pa ko nakakapili ng puwesto ay may delubyo nang dumating.

"Oops.. sorry. Nakaharang ka kasi" natatawang sabi ni Scynie. Tinignan ko ang uniform ko na natapunan ng sarsa.

"Sabagay.. hindi naman bago sa'yo 'yan, madumi ka naman na talaga. Hmmp. Let's go, girls!" dagdag niya at binangga pa ang balikat ko matapos akong lampasan. Hindi ko napigilan ang pamumuo ng luha ko dahil sa tuwing naririnig ko ang 'marumi' nagfla-flashback sa'kin lahat.

Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon