(🚫RATED M is for mature content. Read at your own risk!)
Natasha's POV.
Malapit na ulit ang birthday ko, samantalang yung kay Meghan naman ay tapos na. Nakapunta naman ako dahil siya ang kumausap kay Tita. Grabe! Madaragdagan nanaman ako ng isang taon. College na rin dapat ako katulad ni Meghan, pero wala e.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Nakatayo ako at tinititignan ang kabuuan ko. At sa pagkakataong 'to, bumabalik ang ala-ala ng ginawa ko sa harap ng camera na 'yon.
Matagal na rin simula noong huling kita namin ni Selene. Hindi ko alam kung bakit. May number naman kami ng isa’t-isa pero kahit sa phone di kami nag-uusap.
Hmmmm.. baka busy lang?
Muli akong bumuntong hininga at saka kinuha ang damit na isusuot ko sa trabaho. Nagbihis na ko at nag-ayos bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Bukas na ang bar kaya isa-isa na ring nagsisidatingan ang mga bisita.
Kinuha ko na ang mga order nila at nag-serve na rin. Habang wala pang masiyadong customer ay nakatitig lang ako sa stage at iniisip kung saan sila kumukuha ng lakas ng loob para sumayaw nang gano'n sa harap ng maraming tao.
Napalingon ako kay Ate Jingjing nang tawagin niya ko. Hindi ko pala nasasabi sa inyo na sa'ming lahat, si Ate Jing ang pinagkakatiwalaan ng may-ari dahil matagal na siyang nagtra-trabaho rito.
"Bakit po, ate?" takang tanong ko.
"Halika dali, may ipapagawa ako sa’yo. Bitawan mo yan" kinuha niya sa'kin ang tray at inilapag sa counter table bago hawakan ang braso ko.
"Po? Ano po 'yon?" naguguluhan kong tanong at hinatak na niya ko papunta roon sa backstage.
"Marunong ka bang sumayaw?"
"K-konti lang po, bakit?"
"Okay na yun kesa wala. Ano kasi.. yung isang dancer absent, may lagnat daw. Pwede bang ikaw muna ang pumalit sa kaniya?" agad na nanlaki ang mga mata ko nang sabihin yun ni Ate Jing.
“P-po?! Ako po pasasayawin niyo sa stage na 'yon? Ate Jing naman, akala ko po ba taga-serve lang ako rito? Bakit po ako gagawing substitute?"
"Sige na, Tasha. Ikaw lang ang pwede rito e, tsaka pare-pareho tayong mayayari sa may-ari kapag kulang ang lumabas na dancer mamaya. Sige na, Tasha.. ngayon lang naman e. Ha?" napabuntong hininga ako. Damn I hate this.
"Basta po, ngayon lang ‘to ah?" sunod-sunod siyang tumango at kumapit sa braso ko.
"So, pumapayag ka na?" excited na tanong niya. nag-aalinlangan akong sumagot pero dahan-dahan din akong tumango.
"Yes! Mabuti naman. Maraming salamat, Tasha" tipid lang akong ngumiti sa kaniya. Hinila niya ko papunta sa cabinet at pinilian nang damit. Nang makita ko ang mga ipapasuot sa'kin, parang gusto ko nalang mag-back out sa sinabi ko.
"Oh ito, isuot mo na at malapit na tayong magsimula. Aayusan na rin kita" tumango nalang ako at tahimik na isinuot ang damit na halos wala nang maitatago sa katawan ko. Pinatungan lang 'yon ng makapal at mahabang jacket.
Pinaupo niya ko sa harap ng salamin at sinimulang ayusan.
"Sa kalagitnaan ng pagsasayaw mo, huhubarin mo na yung jacket na yan. Nakikita mo naman ang ginagawa ng mga dancer diba?"
"Opo, ate"
"Wag kang mag-alala. May dagdag naman yung bayad mo ngayong araw. Tapos malay mo may makatipo sa'yo, edi dagdag sa pera mo 'yon" hindi nalang ako nagsalita hanggang sa matapos niya kong ayusan.
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
RandomNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...