Natasha's POV.
Unti-unti akong lumayo at kasabay no'n ay ang pagdilat ng mga mata ko.
Napalunok ako nang makita siyang nakatitig sa'kin habang nakangiti.
Nananaginip ba ko?!
Paulit-ulit akong kumurap at pasimpleng kinurot ang sarili ko.
"This is not a dream, Tasha" sabi niya.
"T-totoo.. totoo yung—" tumango siya at saka pinutol ang sasabihin ko.
"It's all true" umayos ako ng upo at tumikhim. Tumayo siya at mas ngumiti sa'kin.
"Magbihis ka, kakain tayo sa labas"
"H-ha? Ngayon na?"
"Bakit? Gusto mo bang mag-dinner ng umaga?" pabiro ko siyang inirapan at tumayo na rin.
"Corny mo" sabi ko bago dumiretso ng kuwarto. Pasimple kong hinawakan ang labi ko dahil ramdam ko pa rin hanggang ngayon; bigla nalang akong napangiti.
Pagpasok ko ng kuwarto ay binuksan ko ang cabinet at namili ng mga damit.
Ilang beses na kong naghalukay pero wala pa rin akong mapili. Wala kasi akong ibang damit. Hindi pa ko nakakabili.
*tok* *tok* *tok*
"Are you done?" napakagat ako sa ibabang labi ko at tumayo para buksan ang pinto.
"Uhm.. hindi ako makapili e" marahan siyang tumawa at ginulo ang buhok ko.
"You don't need to wear some pretty and revealing clothes. Magsuot ka ng kumportable sa'yo" ngumiti ako at tumango sa kaniya.
"Wait lang" ngumiti siya at tumango. Sinarado ko na ulit ang pintuan at bumalik sa cabinet.
Kumuha ako ng ripped jeans at korean top bago nagmadaling magbihis. Nag-ipit ako ng pigtail at naglagay ng kaunting ayos sa mukha ko. Pagkatapos ay kinuha ko na ang phone ko at lumabas na ng kuwarto.
Nakita ko siyang naghihintay sa couch at napatayo nang makita akong lumabas ng kuwarto. Napangiti siya sa'kin at lumapit.
"Maganda ka na talaga kahit simple lang" puna niya at napangiti naman ako.
"Salamat. Halika na?" tumango siya at hinawakan ang kamay ko.
Bumaba kami sa parking lot para sumakay sa motor niya. Mabuti nalang jeans ang suot ko para mas madaling makaupo.
"Saan tayo kakain?" tanong ko habang nagsusuot ng helmet.
"Maghahanap tayo" sagot niya naman matapos isuot ang helmet at sumakay na ng motor. Ngumiti lang ako at umangkas na. Nagsimula na siyang mag-drive kaya yumakap na ko sa bewang niya.
Huminto kami sa isang di-kalakihang restaurant pero maganda at marami ring mga customer. Maaliwalas din sa loob kaya sigurado akong masarap kumain dito.
Bumaba na ko at inabot ang helmet sa kaniya. Hinawakan niya naman ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob. Nakasuot siya ng plain shirt, maong shorts, at white shoes. Simple lang pero ang ganda niya pa ring tignan.
"Dito tayo" sabi niya at pinaghatak ako ng upuan. Nginitian ko siya bago ako maupo at nagpasalamat. Ngumiti lang siya bago umupo sa tapat ko.
Matapos kaming mabigyan ng menu ay agad naman kaming nag-order.
Napaiwas ako ng tingin nang mapansin kong tinititigan niya ko. Bahagya naman siyang natawa at mas tinitigan pa ko. Kumuha ako ng tissue at binato 'yon sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
De TodoNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...