Chap. 25

781 18 0
                                    

Natasha's POV.

Nagising ako nang makarinig ako ng ingay sa paligid. Idinilat ko ang mga mata ko at direktang napatingin sa harap ko.

"Augh! *cough!* *cough!*"

"You're the reason kung bakit nasasaktan ang kapatid ko!"

"Hindi naging kami ng kapatid mo— augh!" inaninag ko kung sino ang binubugbog nila dahil medyo nanlalabo pa ang mga mata ko. Nang umayos na ang paningin ko ay nakita ko si Skyler na duguan ang mukha at puro pasa rin sa ibang bahagi ng mukha niya.

"S-skyler?" halos pabulong na sabi ko. Napalingon naman siya sa'kin pati na ang taong bumubugbog sa kaniya.

"Oh. You're awake" nakangising sambit nito. Inalala ko yung mukha niya dahil pamilyar 'yon sa'kin.

"Don't g-go near her!" sigaw ni Skyler nang maglakad 'to palapit sa'kin. Nakatali si Skyler sa isang poste at tinignan ko kung gano'n din ako. Pero hindi, nakatali lang ang kamay ko sa likuran ko at nakatali rin ang mga paa ko.

"Do you still remember me?"

"Wag kang lalapit sa'kin." buong tapang na sabi ko pero tumawa lang siya. Umupo siya sa harap ko at hinawakan ang baba ko.

"You still have those sweet lips that I've tasted from that night" tinitigan ko siya sa mukha at doon ko lang naalala kung sino siya. Ang gago na gumalaw sa'kin no'ng gabing 'yon.

"I-ikaw?" tumawa siya nang malalim at itinaas ang mukha ko sa lebel niya.

"What's my name?"

"Tommy Blaine. Ikaw yung gago na 'yon." masama ang tingin na sabi ko sa kaniya. Marahas naman siyang tumawa at binitawan na ang mukha ko.

"I know you enjoyed it too"

"Hayop ka! Hindi kita binigyan ng permiso para galawin ako!"

"Ohh.. really? Why did you moan that night then?" tinignan ko si Skyler habang nagsasalita ang tao sa harapan ko; nagtama ang paningin naming dalawa. Kahit na nanghihina ay pinipilit niya pa ring makawala mula sa pagkakatali.

"Eyes on me, darling"

"Wag mo kong tawaging ganiyan. Nakakasuka ka— ahh!" nabaling sa gilid ang mukha ko nang sampalin niya ko nang malakas. Namanhid ang pisngi ko at gumilid ang luha ko. Dati sanay akong masampal dahil kay Tita pero ngayon hindi na. Masama kong ibinaling ang tingin ko sa kaniya; nakangisi naman siya habang manghang nakatingin sa'kin.

"Such a brave girl" natatawang sambit niya.

"Bakit mo ba kami dinala rito?! Ano bang kailangan mo?!"

"Oh. Yes, I forgot. Do you know Scynie? She's my sister"

"Alam ko. Pareho kayo ng ugali. Diretsuhin mo na ko kung anong gusto mo!" muli siyang ngumisi at marahan na natawa.

"She want me to ruin your life. You took her place and that man from her" muli akong napatingin kay Skyler nang ituro siya ng lalaking 'to.

"Wala siyang inaagaw. We never had 'that' relationship, Tommy" malamig at seryosong komento ni Skyler habang matalim na nakatitig kay Tommy.

"Shut up! You fvcking bastard. I'm not talking to you!" matalim din ang titig na sagot nito bago muling bumaling sa'kin.

"She've been crying these days because of you"

"Hindi ko kasalanan na nakuha ko ang pagiging top 2. Nagsikap ako dahil yun ang gusto ko. Sabihin mo riyan sa kapatid mo na mas galingan niya kung ayaw niyang nakukuha ko ang sa kaniya!"

Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon