Natasha's POV.
Nagising ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ko.
Tinignan ko kung sinong nag-text at nakita ko ang pangalan ni Meghan.
' From: Meg❤️
Uyy! Ano? Kamusta?'
Napabuntong-hininga muna ko bago mag-reply.
' To: Meg❤️
As usual. Pinagalitan ako. Hayaan mo na, lilipas din naman ang araw na 'to
*sent '
' From: Meg❤️
Hay nako. Hindi na ata magbabago 'yang Tita Ana mo'
Bahagya akong tumawa at mapait na napangiti.
' To: Meg❤️
Sinabi mo pa. Hindi ko na inaasahan na magbabago pa siya
*sent '
Tumayo ako at pumunta ng cr para maghilamos ng mukha. Hindi na ko kakain, alam ko namang hindi nila ako tinirhan ng pagkain.
Ilang linggo ang lumipas ay hindi muna ko pumasok sa trabaho ngayon dahil ipinagpaalam daw ako ni Tita sa kanila na magbabantay ng bahay, dahil gagala sila ng mga anak niya.
Ginagawa talaga akong aso😀.
"Oh. Wag kang aalis ng bahay sinasabi ko sa'yo ah" sabi ni Tita at tumango naman ako.
"Baka gabi na kami makauwi. Ikaw na bahala sa kakainin mo, busog naman kami pag-uwi namin" sabi niya at naglakad na sila palabas ng bahay. Sinarado ko agad ang pinto at tinext si Meghan.
' To: Meg❤️
Meghan! Maihahatid mo na sa'kin yung mga ipinatago ko sa'yo! Umalis sila Tita at gabi pa raw uuwi
*sent '
Ni-lock ko ang pintuan at umakyat sa kuwarto ko; nahiga sa kama at excited na iniisip ang pagpunta ni Meghan dito.
' From: Meg❤️
Okie! Pauwi naman na ko dahil halfday lang kami ngayon. Dadaan lang ako sa bahay para kunin yung mga 'yon then diretso na ko riyan, okie?'
Excited akong tumango kahit hindi niya nakikita.
' To: Meg❤️
Okay! Hintayin nalang kita. Ingat!❤️
*sent '
Nakangiti akong tumayo at nagdesisyon na maligo habang hinihintay si Meghan.
Ilang minuto ang lumipas ay dali-dali akong bumaba nang may marinig akong katok mula sa pintuan sa baba.
"Wait langgg" sabi ko habang pababa ng hagdan. At pagkarating ko ro'n ay agad kong binuksan ang pintuan.
"Hiiii!" malaki ang ngiting bungad niya.
"Hi!" sagot ko naman at niyakap siya. Pagkatapos ay pinatuloy ko siya sa loob at muling ni-lock ang pinto.
"Doon tayo sa kuwarto ko" sabi ko at tinulungan siya sa dalahin niya. Pumayag naman siya at sumunod sa'kin sa taas.
"Nagdala rin ako ng food natin since sabi mo mamaya pa naman silang gabi darating. E alam ko namang di ka iniiwanan ng food ng Tita mong masama ang ugali" bahagya akong natawa sa sinabi niya at inilapag sa kama ko ang mga paper bags.
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
RandomNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...