Chap. 30

818 14 0
                                    

Natasha's POV.

Hinatid kami ni Kuya Gerald sa mall. Kaming dalawa lang ni nanay ang magkasama dahil gusto niya raw bumawi sa'kin, gagala kami at mag-iikot. Isang linggo raw kaming gagala dahil marami raw siyang gustong gawin kasama ako.

Pagkapasok namin sa loob ay dumiretso kami sa bilihan ng mga damit.

"Ito anak, bagay 'to sa'yo. Naku, nakakatuwa naman at malaki na ang pwede kong bihisan" natawa ako sa sinabi ni nanay at pinilian din siya ng damit.

"Ito naman yung sa'yo, Nay. Pareho tayo ng kulay pero magkaiba ng design" ngumiti siya sa'kin at kinuha ang damit.

"Isukat na natin?" tumango ako kaya naman pumunta na kami sa fitting room. Magkatabi lang ang pinasukan namin kaya magkakarinigan kami once na gusto namin mag-usap.

"Nak, bagay sa'tin" masaya naman akong tumango bilang sagot sa kaniya.

"Bilhin natin 'to, Nay" tumango lang siya kaya bumalik na kami sa loob para magbihis. Pagkatapos ay pumunta na kami sa counter para magbayad. Sunod naman naming pinuntahan ay ang bilihan ng make up. Napansin ko kasi na mahilig maglagay si Nanay ng make up. Naglalagay din naman ako kaya pwede kaming mamili ng mga bagong product, pati na yung mga pang-skin care.

Sunod naman ay kumain muna kami sa Mang Inasal. Mas sulit kasi ang kanin doon dahil unlimited. Pagkatapos ay dumiretso naman kami sa arcade para maglaro, pumunta rin kami sa bilihan ng mga sapatos. Halos lahat ng binibili namin ay parehas ng kulay o kaya naman pati design. Parang tuloy kaming kambal.

Nakakatuwa lang dahil kahit ngayong araw lang ay naramdaman ko na agad ang pagmamahal niya at pati na ang excitement niya na makasama ako kahit pa buong araw. Hindi siya bumibitaw sa'kin at lagi siyang nakahawak sa braso ko. Mukhang magkapatid lang kami dahil hindi halata sa mukha at katawan niya ang edad. Malapit na siya mag-50 pero mukhang nasa 20s parin siya tulad ko, mas matangkad nga lang ako sa kaniya kahit na naka-heels na siya.

"Sa susunod anak, kasama na natin yung dalawang kapatid mong mag-gala" sabi niya habang naglalakad-lakad kami sa harap ng ibang stores.

"Hmm. Sana nga po magkasundo agad kaming tatlo"

"Naku. Tiyak na magkakasundo talaga kayong tatlo, e halos magkakalapit ang mga hilig ninyo e"

"Talaga po?"

"Hmm. Tsaka madalas din kitang mai-kuwento sa kanila. Kung magkasama-sama tayong mag-gala, hindi malabo na magkasundo agad kayo ng mga gusto"

"E si Tito James po ba?"

"Hindi yun mahilig mag-gala. Mahilig yun mag-aya na kumain sa labas. Kaya kahit papaano naman e nakakapag-bonding kami. Busy kasing tao dahil siya ang nagpapatakbo ng company namin"

"Isasama niyo po ba ko kapag uuwi na kayo ro'n?"

"Ipagpapaalam muna kita kay Selene. Alam ko namang ayaw mawalay sa'yo no'n" natatawang sabi niya. Natawa nalang din ako at napailing.

"Saan po ba tayo patungo, Nay?" nagtatakang tanong ko dahil kanina pa kami paikot-ikot dito.

"Ayy hindi ko rin alam, anak. Pasok nalang tayo ro'n sa bilihan ng furnitures" bahagya akong natawa bago naglakad papunta sa sinabi ni Nanay.

Maraming nakapila sa cinema kaya hindi na kami pumunta ro'n. Sa kanila ako tumuloy at pumupunta nalang doon si Selene.

Ang sumunod na araw naman ay nag-picnic kami at magkasamang dinalaw si Tatay. Dinalaw din namin si Tita Ana at si Bebang. Pinakilala ko si Nanay kay Bebang dahil kapatid din naman ang turing ko sa kaniya. Agad namang nagkasundo ang dalawa, lumalaki na rin si Bebang kaya naiintindihan niya na rin ang ilang mga bagay.

Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon