Chap. 24

775 16 0
                                    

Natasha's POV.

Naganap ang Intramurals at nanalo ang school namin sa Theater at sa ilan pang inilaban namin. Sobrang saya ko dahil first time kong mag-vice president ng club at nanalo pa ang school namin.

Natapos na rin ang exams at ngayon ay labasan na ng results ng mga nakuhang grades sa buong first sem.

"Congratulations, Ms. Hernandez, you're on the top of this class. Second to Mr. Cantrell" malawak ang ngiting tinanggap ko ang certificate at nagpasalamat sa adviser namin na si Mrs. Juinco. Oo, top 1 si Skyler. At balita ko hindi siya natatanggal sa place na 'yon, at si Scynie naman ang palaging top 2 noon, pero top 3 nalang siya ngayon.

Paglabas ng adviser namin ay pumunta ako ng cr para umihi. Napaatras ako nang salubungin ako ni Scynie kasama ang mga kaibigan niya, matapos kong maghugas ng kamay.

"How dare you to take that place from me!" mas napaatras pa ko nang mas lumapit pa siya sa'kin. Napahinto nalang ako nang maramdaman ang pader sa likod ko.

"Hindi ko sinasadya na mas magaling ako kaysa sa'yo" seryosong sabi ko.

"Ha! What? You don't deserve it. Baka nga binayaran lang ng sugar daddy mo yung school, o kaya ni Gavin?" umiwas ako nang tingin sa kaniya. Anong sugar daddy ang pinagsasabi niya? At anong silbi ng paliwanag ko rito kung makitid ang utak ng isang ito?

"Ohhh.. you're avoiding my gaze. So it's true!" natatawang sabi niya. Nagtawanan din ang mga kaibigan niya pero hindi ko pa rin binabalik ang tingin ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang baba ko para mapatingin sa kaniya.

"I almost forgot. Bayaran ka nga rin pala" nagpantig ang tenga ko kaya naman naitulak ko siya nang malakas at napaupo siya sa sahig. Pero hindi ako magso-sorry.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" itinayo siya ng mga kaibigan niya at muling lumapit sa'kin.

"Why would I? Ang lakas naman ng loob mong itulak ako! Hindi mo ba ko kilala? Ha? I'm the Queen of this school. And you should respect me—"

"Respect my ass! Hindi mo deserve respetuhin kung ganiyan ang ugali mo!"

"And you? You think you deserve the word 'respect'? *chuckle* ano nga ulit yung trabaho mo dati?.. Hmm.. a prostitute?" awtomatikong lumapat ang palad ko sa pisngi niya; napahawak naman siya rito at nanlalaki ang mga matang tumingin sa'kin.

"Hindi mo alam ang kuwento ng buhay ko! Kaya wala kang karapatan na maliitin ako!"

"Bitch! How dare you to slap me! Huh?!" bigla niyang hinatak ang buhok ko at ginantihan ko rin siya ng sabunot. Kung gaano kalakas ang sa kaniya ay mas nilalakasan ko ang sa'kin. Lahat ng galit ko dahil sa sinabi niya, ibinuhos ko roon lahat.

"Ahh! Ouch!" reklamo niya.

"Ano?! Ha?! Gusto mo 'to 'di ba?!" inawat kami ng dalawang kaibigan niya kaya naman hindi umabot sa pag-tawag sa principal.

Hinihingal ako nang maawat na kami ni Scynie. Bumubuhos din ang luha ko at hindi ko na napigilan. Nagtitigan kami ng masama ni Scynie bago ko hinawi ang kamay ko sa kaibigan niya at lumabas na ng cr na 'yon. Mabuti nalang at walang masiyadong estudyante na nandoon dahil oras ng klase.

Hindi ako dumiretso sa classroom kundi sa garden. Umupo ako sa gazebo at doon nagtuloy-tuloy ang buhos ng luha ko.

"You're here again, crying" agad kong pinunasan ang mga luha ko nang marinig ko ang boses ni Skyler.

"Bakit nandito ka? May klase ah" sagot ko pagkatapos suminghot. Umiling lang siya bago umiwas nang tingin.

"I followed you. Napansin ko kasi na sinundan ka nila Scynie. Hindi ako makapasok sa cr ng girls dahil bawal. And ang sumunod na nangyari, tumakbo ka rito kaya sumunod din ako"

Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon