(🚫RATED M is for mature content. Read at your own risk!)
Natasha's POV.
Nagsimula na kaming magplano tungkol sa kasal. Mula sa budget hanggang sa design sa reception. Champagne gold color ang napag-usapan naming theme dahil nagagandahan kami sa kulay na 'yon. Pati kulay ng suot ng mga wedding parties ay kulay champagne gold, gown and ties. Pero puti ang isusuot naming dalawa ni Selene.
Beach wedding ang uri ng kasal namin, naghanap kami ng bansa na pwede ang same-sex marriage at doon namin gaganapin ang first honeymoon, at pagbalik namin ng Pilipinas ay sa Tagaytay naman namin naisipan na ganapin ang second honeymoon.
Finally, this is my big day. Maaga palang ay naligo na ko dahil sa palagay ko ay matagal akong aayusan ng hair and make up stylist. Hiwalay ang kuwarto ko kaya naman wala akong kausap dito. Nakatulala lang ako sa susuotin kong wedding gown and veil, pati na rin ang bouquet of flowers. Napangiti ako sa isipin na makakasama ko na si Selene bilang kabiyak ko sa habambuhay.
Napalingon ako sa pintuan nang marinig doon ang ilang katok.
"Good morning, Ma'am. Are you ready?" tanong ng hair and make up stylist kasama ang ilang assistants niya. Masaya akong tumango kaya naman napangiti rin sila. Pinaupo na nila ako sa isang silya sa harap ng vanity mirror para simulan na kong ayusan.
Pagkatapos ay isinuot ko na ang gown, veil, and heels ko— hindi gano'n kataas dahil ayokong matapilok habang naglalakad dahil lang sa natapakan ko ang gown.
Nandito rin sila Tita Janice, Bea, at Meghan. Siyempre nandito rin si Wynwyn dahil ginawa namin siyang ring bearer ni Selene. Fortunately ay nakasama rin sa'min si Bebang.
Huminga ako nang malalim bago lumabas sa kuwarto na 'yon. Kasama ang ilang assistant ng make up artist ay tinulungan nila ako sa gown hanggang sa makababa sa ground floor. Sumakay ako sa loob ng puting kotse kasama si Nanay, pagkatapos ay pinaandar na ito ng driver patungo sa venue ng ceremony.
"Napakaganda ng anak ko" naluluhang sabi niya habang nakatitig sa'kin. Bahagya akong natawa dahil doon.
"Nay, wag ka po munang umiyak. Maiiyak din ako, masisira po agad make up ko" marahan siyang tumawa at tumingala para pigilan ang luha.
"Pasensya na, anak. Sobrang masaya lang ako" abot tenga akong ngumiti habang hawak ang kamay niya.
"Sobrang saya ko rin po ngayon, Nay. Hindi ko po inasahan na matutupad ang lahat nang ito. Sobrang thankful po ako na nakilala ko si Selene, siya po ang tumulong na makaahon ako mula sa kadiliman ng buhay ko. Siya po ang naging liwanag sa madilim kong buhay noon kay Tita Ana, sobrang bait ni Selene, 'Nay. And thankful din po ako kasi nahanap ko po kayo at magkasama na po tayo" hinawakan niya ang pisngi ko at marahang ngumiti sa'kin.
"Nagagalak ang puso ko sa nakikita kong kasiyahan sa mukha mo— lalong-lalo na sa mga mata mo. Araw-araw hindi nawawala ang kislap. Sana hindi 'yan mawala, anak" dahan-dahan akong tumango habang nakangiting nakatitig sa kaniya.
Pagkahinto ng kotse ay tinulungan ako ni Nanay na makalabas dahil sa gown ko. Naglalakad na ang wedding parties sa white carpet nang dumating kami. Nakita ko si Selene, kasama si Mrs. Alford na nakatayo sa pinakadulo ng pila. Nakasuot siya ng white wedding jumpsuits, dahil mas gusto niya raw 'yon kesa sa gown.
Naglakad kami palapit ni Nanay sa kanila. Agad naman silang nagbatian ni Mrs. Alford.
"Damn. You look stunning" komento ni Selene sa'kin. Bahagya namang namula ang pisngi ko dahil doon.
"Thank you. Ikaw din, bagay sa'yo yung suot mo" bahagya siyang tumawa at inilahad ang kamay sa'kin. Agad ko naman 'yong kinuha habang malawak na nakangiti sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
RandomNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...