Natasha's POV.
Lunch time ay minadali namin ang pag-kain dahil kailangan naming maagang makapunta sa gym. At doon ay ipinagpatuloy namin ang pagpapalista hanggang sa matapos ang oras.
Napakapa ako sa bulsa ng coat ko nang mag-vibrate ang phone ko. At agad kong tinignan kung sino yung tumatawag.
Selene calling...
"Hello? Napatawag—"
"Tasha. Si Bebang daw nawawala!"
"Ano?! Teka— bakit? Saan?"
"Magkita nalang tayo sa labas ng school niyo tapos saka tayo mag-usap"
"Oh sige sige. Lalabas na ko ng school. Mag-iingat ka"
"Hmm. Ikaw din" ibinaba ko na ang tawag at saka humarap kay Skyler.
"Wala naman tayong klase diba?"
"Oo, bakit? May nangyari ba?"
"Si Bebang kasi nawawala. Kailangan namin siyang mahanap. Mauuna na sana akong umuwi"
"Ha? Saan nawala?"
"Hindi ko alam. B-basta kailangan namin siya mahanap agad. Baka napa'no na 'yon. Sige ah, mauna na ko"
"Hoy—!" hindi ko na siya nilingon at dumiretso nalang sa building namin para kuhanin ang bag ko.
"Where are you going?" mataray na tanong ni Scynie habang nakaharang sa pinto.
"Wala ka na ro'n. Tumabi ka nagmamadali ako" kalmado kong sabi. Tumawa lang siya at ipinag-krus ang mga braso.
"Matapang ka na? Ha?"
"Wala akong panahon sa ganiyan. May mas importante akong kailangang gawin" lalagpasan ko na sana siya pero agad niya kong hinawakan sa coat ko.
"Wag mo kong tinatalikuran kinakausap kita!"
"Let her go." napalingon kami sa nagsalita at nakita ko si Skyler na nakapamulsa habang matalim na nakatitig kay Scynie. Marahan namang tumawa si Scynie at muling bumaling ang tingin sa'kin.
"Okay, fine. Sabi mo e" unti-unti na niyang binitawan ang coat ko at inayos ko naman ang uniform ko. Nagkatinginan muna kami ni Skyler bago ako tumakbo palabas ng building.
Kinausap ko na muna ang guard dahil mahigpit sila sa paglabas ng di-oras, pero agad niya naman akong pinayagan. Paglabas ko ng gate ay siya ring pagdating ni Selene.
"Ano? Saan daw siya nawala?"
"Lumabas daw ng school noong lunch time. Tapos hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik"
"Alam na ba ni Tita Ana?"
"Sa tingin ko, oo. Marami na ring naghahanap, halika na. Baka alam mo yung pinuntahan niya" tumango ako at sinuot na ang helmet bago umangkas sa motor niya.
Nagsimula na kaming maglibot sa kung saan ang maaaring pinuntahan ni Bebang. Sa playground. Sa dagat. Sa park. Pero wala siya.
"Hindi kaya pumunta siya sa mall?" sabi ko.
"Mall?"
"Oo. Dinala ko siya ro'n isang beses para mag-enjoy naman siya. Baka lang nandoon siya"
"Oh sige. Kumapit ka" muli niyang pinaandar ang motor kaya kumapit na ko sa kaniya. Nag-drive siya papunta sa mall kung saan ko dinala si Bebang dati; pagkatapos niyang mag-park ay bumaba na agad ako matapos hubarin ang helmet.
Nagsimula muna kaming maghanap sa labas pero wala siya. Kaya naman napagpasyahan namin na pumasok na sa loob.
"Ang daming tao, saan natin siya hahanapin?" tanong ni Selene. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at inilibot ang paningin.
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
De TodoNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...