Natasha's POV.
Kinabukasan pagkagising ko ay inimpake ko ang mga damit at ilang gamit ko. Pagkatapos ay bumaba ako sa ground floor para sumakay sa taxi.
Uuwi ako sa bahay, nasa'kin na ang susi. At matagal na rin simula no'ng huling pagtira ko ro'n. Nakaka-miss.
Gusto ko munang mapag-isa dahil hindi ako makakapag-isip kapag nanatili ako sa condo ni Selene.
Bumuntong hininga muna ko bago bumaba ng taxi at hinatak ang dalawang maleta ko papunta sa loob ng bahay. Tinanggal ko ang padlock at in-unlock ang doorknob bago tuluyang pumasok. Napaubo pa ko dahil sa kapal ng alikabok.
Umakyat muna ko sa dating kuwarto ko para roon ilagay ang mga dala ko. Pagpasok ko ay bumungad sa'kin ang abandunadong kuwarto. Puro agiw na rin at halatang hindi nagagalaw dahil gano'n pa rin ang mga naiwan ko na gamit.
Nagpasya akong linisin ang buong bahay; mula taas hanggang sa ibaba. Pinalitan ko ang mga kurtina at pinunasan ang mga alikabok sa bintana pati na rin ang iba pang maalikabok na bagay. Pinalitan ko rin ang mga bedsheets sa lahat ng kuwarto at nagdesisyon na labhan ang lahat nang ito.
Napangiti naman ako nang makitang maayos na ulit ang bahay at malinis. Ito lang kasi ang tanging pamana na iniwan sa'kin ni Tatay. Napabuga ako ng hangin at naupo sa bagong vacuum na sofa. Ipinagpahinga ko ang sarili at saglit na pumikit.
Naalala ko ang dati, ang mga araw kung saan nabubuhay pa si Tatay at masaya pa kami. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na.. paano kaya kung kasama namin si Nanay dito? Mas masaya kaya ang magiging ala-ala ko? Paano kung di niya kami iniwan noon? Maayos kaya ang buhay ko't hindi naranasan ang masalimuot na nakaraan ko?
Muli akong napabuntong hininga.
Ano nga bang dahilan ng pag-iwan niya sa'min? Hindi ko maintindihan ang sarili kong emosyon dahil halo-halo ito. Pagtataka, galit, panghihinayang, pangungulila, at sakit.
Gusto kong malaman ang dahilan at paliwanag niya pero hindi ko pa siya magawang harapin dahil sa mga nararamdaman ko. Mula pagkapanganak ko hindi ko siya nakilala tapos bigla siyang susulpot sa harap ko at malalaman na.. all this time, hindi pala siya patay.
Namuo ang mga luha sa mata ko.
Buong buhay ko naniwala ako na may sakit siya kaya siya namatay. Buong buhay ko naniwala ako sa isang kasinungalingan. Buong buhay ko.. hindi ko man lang naisip na kaya wala kaming puntod na dinadalaw ay dahil buhay pa ang Nanay ko.
Napahikbi ako at niyakap ang dalawang tuhod ko. Gusto kong malaman ang lahat pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang sakit sa ulo.
Bigla nalang pumasok sa isip ko si Tita Ana. Bakit siya pinakasalan ni Tatay at hindi niya nalang hinanap si Nanay? Bakit niya hinayaan na umalis si Nanay? At bakit gano'n nalang ang galit sa'kin ni Tita Ana?
Hindi kaya may koneksyon silang tatlo kaya nadamay ako? Kung meron man.. ano 'yon?
Marahas kong ibinuga ang inipon kong hangin.
Mababaliw ako mag-isa kakaisip kung wala akong gagawin.
Nilibang ko nalang ang sarili ko sa paglalaba para panandaliang makalimutan ang lahat ng iniisip ko. Pagkatapos ay nagluto ako ng pagkain ko dahil nanginginig na ko sa gutom.
Kasalukuyan akong kumakain nang may kumatok sa pinto.
"Sino 'yan? Sandali lang" uminom muna ko ng tubig bago nagsimulang maglakad palapit sa pintuan. Patuloy pa rin ang pagkatok no'n kaya nagpasya na kong pihitin ang doorknob.. na sana pala ay hindi ko nalang ginawa.
"Natasha.."
"Anong ginagawa mo rito?" malamig na bungad ko kay Selene.
"Tasha.. I'm sorrry, okay? Please, at least, let me explain.." pagsusumamo niya.
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
RastgeleNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...