Natasha's POV.
Maaga akong gumising at naligo para ayusin ang mga requirements sa pag-aapply ko ng trabaho. May sapat naman akong naipit na pera para sa iba pang kailangan.
Nagsuot ako ng simple jeans na sinadya kong dalhin at plain t-shirt para hindi hassle.
Nilagay ko lahat sa isang brown envelope ang mga papel at saka nagsuot ng sapatos. Tinignan ko muna ang repleksyon ko sa salamin at huminga nang malalim.
Lumabas na ko ng bar, sinadya kong hindi ipaalam sa kanila at mabuti nalang wala akong nakasalubong na ka-trabaho ko. Dumaan muna ko sa isang coffee shop na malapit para mag-almusal. Pagkatapos ay naglakad na ko para maghanap ng mapag-tratrabahuhan.
Sa pag-iikot ko ay naparaan ako sa harap ng isang school. Tinitigan ko ito mula sa labas at nakaramdam nanaman ako ng inggit at panghihinayang.
Napabuntong hininga ako at nagpatuloy na sa paglalakad. May mga ilan akong napuntahan pero sabi nila may nauna na raw sa'kin na mag-apply. E bakit hindi na nila tanggalin yung nakapaskil kung meron na pala?
"Hays.." naupo ako sa isang tindahan at bumili ng tubig.
"Ate? Meron po ba kayong alam na naghahanap ng trabahador dito?" tanong ko sa tindera.
"Ayy sayang maraming naghahanap dito noong nakaraang linggo pa. Hindi ko lang alam ngayon kung meron pa"
"Ahh gano'n po ba. Sige po, salamat" umalis na ko sa tindahan at nagpara na ng tricycle para bumalik sa bar.
Maghahanap nalang ulit ako bukas.
Napabuga ako ng hangin nang makaupo ako sa kama ko. Itinabi ko ang brown envelope at nagpalit na ng damit ko.
Kinagabihan ay nagsimula na ang trabaho ko. Halos sa araw-araw kong trabaho ay sanay na sanay na ko. Ayoko na ring manatili pa rito.
Alas-diyes ng gabi ay pumunta si Selene, sinerve ko sa kaniya ang beer na gusto niya at nagdalawang isip akong magtanong.
"Anong iniisip mo?" tanong niya sa'kin nang mapansin ang pananahimik ko. Pinaglaruan ko ang daliri ko at napakagat ng labi habang nakayuko.
"Say it. Baka makatulong ako" huminga ako nang malalim. Tama.. baka makatulong siya.
"Ano kasi.. uhm.." luminga-linga muna ko bago ituloy ang sasabihin ko.
"Kanina kasi.. naghanap ako ng ibang trabaho. Pero lahat ng napuntahan ko wala nang available. E.. naisip ko na baka sakaling may alam ka na pwede sa'kin?" tumitig lang siya sa'kin at maya-maya'y ngumiti.
Eh?
Taka ko siyang tinitigan pabalik.
"I can offer you something"
"Ano yun?" ipinatong niya ang dalawang siko sa lamesa at pinagsaklop ang mga daliri bago muling tumingin sa'kin.
"I already prepared it for you, though. You're going to study before working in our company" agad na nanlaki ang mga mata ko at di-makapaniwalang tumitig sa kaniya.
"E-eh?! Ako— ako? Mag-aaral ako?" marahan siyang tumawa at tumango.
"Wow.."
"Ano? Payag ka?" hindi na ko nagdalawang isip at tumango na agad. Malapad siyang ngumiti sa'kin.
"Good"
"Kailan?" tanong ko.
"Kailan mo ba gusto?"
"As soon as possible sana. Tatapusin ko lang yung week na 'to tapos magre-resign na ko"
"Okay then. Aayusin ko na requirements mo" ngumiti ako at sunod-sunod na tumango.
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
RandomNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...