Natasha's POV.
Wala pang ilang araw ay sinabi nila sa'kin na resigned na ko sa bar na pinagtra-trabahuhan ko. Hindi na ko nagtanong kung pa'no, basta nagpapasalamat ako sa kanila dahil hindi na ko nahirapang magpaliwanag pa sa may-ari.
Tinawagan ko si Meghan para makipag-kita. Pero siyempre tinanong ko muna kung may gagawin siya, at wala naman daw kaya nag-set ako ng place na pupuntahan namin.
Nagpaalam ako kay Selene na pupunta kami ni Meghan sa pinakamalapit na coffee shop. Pumayag naman siya kaya naligo na ko at nagbihis na ng jeans at plain shirt. Kinuha ko ang wallet at cellphone ko bago lumabas ng unit ni Selene.
Pagkababa ko ay sumakay ako sa tricycle at sinabi ang location kung saan ako bababa. Pumasok na ko sa coffee shop at naghanap na ng magandang puwesto.
Umupo ako sa pinakadulo ng shop malapit sa glass wall. Kinuha ko ang phone ko at tinanong si Meghan kung nasaan na siya; agad naman siyang nag-reply.
' From: Meg❤️
On the way na ko. May sasabihin din ako sa'yo, see ya! '
Napakunot ang noo ko sa nabasa. Gusto ko sanang tanungin pero baka nagdri-drive siya, kaya mamaya nalang pagdating niya.
Nilaro ko muna yung phone ko habang hinihintay na makarating si Meghan.
"Tasha!" nilingon ko siya at napangiti nang makita ko siyang palapit sa'kin. Kumaway ako at tumayo para yakapin siya.
Nagpasya kami na um-order na ng kape sa counter at umupo ulit habang hinihintay na mai-serve sa'min.
"Ano ba yung sasabihin mo?" panimula ko.
"Ikaw muna. Ano nang balita sa pag-aaral mo?" balik niyang tanong sa'kin.
"Ayun. Resigned na ko sa bar tapos next week daw, start na ng pasok ko" nakangiting sabi ko.
"Wow! Edi hindi ka na matutuloy sa pagiging flight attendant mo?" umiling ako.
"Hindi siguro para sa'kin 'yon. Mukha namang mage-enjoy ako sa trabahong papasukin ko sa company nila Selene e" napangiti siya at tumango.
"Hmm. Good for you, then! Galingan mo sa school ah. Tsaka kung may mambully man sa'yo, lumaban ka. Wag kang papaapi" marahan akong tumawa at tinanguan siya.
"Oo naman. Pero depende 'yon sa kung gaano sila ka-grabe" ilang saglit lang ay dumating na ang order naming kape. At sa pagkakataong 'to, siya naman ang tatanungin ko.
"Kamusta naman ang school?"
"Ayos naman, kaya ko pa para sa pangarap" natawa ako.
"Nursing ba talaga ang gusto mo?"
"Yeah. Noong una akala ko kaya kong mag-pulis pero ending, sa pagnu-nurse ako napunta" natawa ako at humigop sa kape.
"Hindi naman masama ah, baka hindi lang talaga para sa'tin yung ibang pinangarap natin. Go with the flow nalang tayo, basta ang mahalaga ginagalingan natin" tumango siya at sumang-ayon sa sinabi ko. Kanina ko pa napapansin ang pag-check niya sa phone at sa relo niya, kaya hindi ko na napigilang magtanong.
"May hinihintay ka ba?"
"Oo. May in-invite kasi ako.. uhm.. yun yung sasabihin ko sana sa'yo ngayon" na-curious ako sa sinabi niya kaya bahagyang kumunot ang noo ko.
"May dapat ba kong malaman na hindi ko alam?" tumango siya at napakagat sa ibabang labi. Humugot muna siya ng hangin bago muling magsalita.
"I.. I have a girlfriend, Tasha" hindi ako agad nakapagsalita at nanatili lang na nakatitig sa kaniya. Ilang segundo ang lumipas at sa wakas ay may nahanap na kong salita na pwede kong sabihin.
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
De TodoNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...